Billy, Coleen takot umamin, baka balikan ni Nikki

BILLY CRAWFORD AT COLEEN GARCIA

Habang patuloy na umiiwas sina Billy Crawford at Coleen Garcia tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, lalo lang tuloy nag-iisip ng malisya ang publiko.

Mas marami na kasi ang naniniwala na si Coleen nga ang third party sa paghihiwalay nina Billy at Nikki Gil. At mas lalo pa silang naiintriga matapos ngang kumalat ang isang picture kung saan magkasama sina Billy at Coleen Garcia habang nanonood ng NBA Game sa Barclays Center sa New York, bago mag-Bagong Taon.

Sa panayam kay Billy ng ABS-CBN, sinabi nitong, “I don’t think I need to speak right now.” Read between the lines na lang tayo, OK?!

Read more...