Sulat mula kay J.O., ng Barangay Milaya,
Midsayap, North Cotabato
Problema:
1. Ako na yata ang pinakamalungkot na dahil hanggang ngayon ay hindi pa ako nagkaka-girlfriend. Lahat ng tropa ko ay nakatikim na ng babae at ang iba’y nasilo na dahil nag-asawa na sila. May crush ako sa school, pero nanghihina ako sa hiya kapag lumalapit sa kanya.
2. Natatakot ako na sa unang panililigaw ko ay baka mabigo ako. Compatible kaya kami kung ipaglaban ko ang aking nararamdaman sa kanya? Ipinanganak siya noong Dis. 11, 1994. Ang birthday ko at Agosto 1, 1996.
Umaasa,
J.O., ng Barangay Milaya, Midsayap, North Cotabato
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Sagittarius (Illustration 2.) at Leo naman ang babaing crush mo ang nagsasabing compatible kayo, kaya sa sandaling nilakasan mo ang iyong loob na maipabatid sa kanya, sa anomang paraan ang iyong damdamin, tiyak ang magaganap susuwertehin ka, magkaka-girlfriend ka na rin sa wakas.
Numerology:
Ang birth date mo ay nagsasabing katugma mo rin sa Numerology ang babaing crush mo. Kung saan, sa sandaling kayo ay magkaroon ng relasyon, isang romantiko at masayang samahan ang mabubuo.
Luscher Color Test:
Upang mag-succeed ang iyong plano na maging GF ang babaing crush mo lagi kang magsuot ng kulay na berde at asul. Sa nasabing kulay, wala siyang magagawa kundi ang kusa ka na rin niyang magustuhan.
J.O., suwerte ka sa panahong ito sapagkat ito na ang simula upang matupad ang mga pangarap mo lalo na sa love life. Tulad ng nasabi na, sa buwan ding ito magiging girlfriend mo na ang classmate mo na crush na crush mo, upang minsan pa sa sandaling naging magkasintahan na kayo, mabubuo ang maligaya at panghabambuhay na relasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
