Sa taon ng kabayo: Lindol at baha, magbabalik pag…

Ikatlong serye

KASABAY ng napakalakas na lindol sa Kalakhang Maynila, bahaha sa Mindanao, Kabisayaan at Southern at Northern Luzon. Sa Ikalawang Hati at Ikatlong Hati ng taon, sa mga buwan Mayo hanggang Oktubre, sa mga petsang 2, 6, 9, 16, at 27, sa araw ng Biyernes, Sabado at Linggo,  dahil sa pagpasok ng kambal o dalawang supertyphoon, muling magbabaha at muling aahon sa kalupaan ang napakataas na alon ng dagat sa mga baybayin ng Aurora, Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Sorsogon, Nothern at Eastern Samar, Southern Leyte, Dinagat Island at Surigao del Sur.

Ang malaking pagbaha ay aabot din sa Davao Oriental at Davao del Sur. Sa nasabing mga lugar muling kakalat ang mga patay at magbabago ang porma ng kalupaan.

Muling dadagsa ang mga tulong  na galing sa ibayong dagat, dahil sa mga nagkalat na bangkay na tinangay ng mga alon sa patungong pampang.  Malaking halaga ng kabuhayan ang mawawasak at marami ang malulunod.

Bago matapos ang taon, darating ang isa pa uling napakalakas na bagyo, na katulad ng Yolanda at Ondoy, magiging dahilan upang umapaw ang mga pangunahing dam sa  Central Luzon.

Sa panahong nabanggit, sabay-sabay na magkakalamat, puputok at mawawasak ang Angat-Ipo Dam sa Bulacan, Pantabangan Dam sa Nueva Ecija,  Lamesa Dam sa Quezon City, San Roque Dam sa Pangasinan, Magat Dam sa Isabela, Ambuklao at Binga Dam sa Benguet.

Magaganap sa mga buwan ng Setyembre hanggang Disyembre, sa mga petsang 1, 19, 22, 29, at 31, sa araw ng Linggo, Lunes, Martes at Miyerkules. Maraming ari-arian ang lulubog, libu-libong buhay ang masasawi.

Kasabay ng sunod-sunod na delubyo at kalamidad na mararanasan ng bansa, bago matapos ang taon 2014, hindi na naman makikita si Pangulong Noynoy sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.

Mapapabalitang ang pangulo ay “may malubhang karamdamang may kaugnayan sa isip” ngunit ide-deny ito ng kanyang mga ayudante at sasabihing ang kanyang karamdaman ay dala lamang ng labis na pagod at paninigarilyo.

Ngunit sa panahong “nawawala ang pangulo,” lalong uugong ang noon pa pinaghihinalaan ng mga political expert na ang pangulo ng bansa ay isang “lame duck president,” kung saan, sa panahong iyon, makikita na sinu-sino na lamang ang magpapatakbo ng pamahalaan.

Dito magaganap ang organisado nguni’t biglaang kudeta na pamumunuan ng mga junior officers ng AFP at PNP na may ayuda ng CIA at Amerika, na ang lihim na agenda ay ang mabilisang preparasyon para sa nalalapit na pagsiklab ng digmaan sa kontinente ng Asia sa pagitan ng US, Japan, South Korean Allied Forces, versus China-North Korea Axis.

Bagama’t poporma ang mga sandatahang lakas ng maliliit na bansa, halos hindi na nila ito magagamit pa, habang pinapanood na lamang ng nasabing maliliit na bansa kung paanong magsasagupa sa ere ang mga high tech na jet fighter ng China, Japan at US at kung paanong magmaniobra at mag-bombahan sa dagat ang mga naglalakihang barko-de-giyera ng US, Japan at China.

Habang lumala ang digmaan, makikisawsaw na rin ang NATO at ang higanteng barko ng makapangyarihang bansang India at Pakistan na pinatatakbo ng nuclear energy na siyang magiging hudyat ng nalalapit na Ikatlong Digmaang Pandaigdig.

Ang mga senaryong tinuran sa itaas ay magaganap sa mga buwan ng Setyembre hanggang Disyembre sa mga petsang 8, 12, 17, 18, 27 at 30 sa araw ng Martes, Miyerkules, Huwebes at Biyernes.

Ito ang magbabadya ng kalagim-la-gim na senaryo hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo.  Sa Huling Hati ng taon, bago matapos ang 2014 patuloy na mananalasa ang kamalasang hatid ng Kabayo, tuluy-tuloy ang pag-angat at pagtaas ng bilang ng mga taong tatamaan ng HIV-AIDS virus, kung saan, mapapabalita ang ilang sikat na artista, broadcaster, at mga politiko na tinamaan ng nakakahawa at mapanganib na HIV, silang may initials na A. B. D.  E. J. K.  N. O. R. at V.

Ang lahat ng kalamidad at delubyong magaganap sa taon na hatid ng mapamuksang Kabayo ay simula pa lamang ng tuluy-tuloy na paghihirap ng bansa, mangyayari hangga’t walang matinong leader na mapipili ang mamayaman na karapat dapat mamuno na nagtataglay ng malinis na pagkatao at may dalisay na puso na handang ipagkaloob ang kanyang buhay para sa pagmamahal sa bayan.

Sa sandaling patuloy na naging corrupt, immoral at mapagsamantala sa kapangyarihan ang mga namumuno, ang mga delubyo at sakunang nararanasan ng bansa ay hindi pa rin huhupa sa buong singkad ng taon 2014, dulot ng mapamuksang Kabayo.

Itutuloy

Read more...