Ikaapat na serye
SA TAON 2014, hindi rin makaliligtas sa kapahamakang dulot ng nagwawala at nanggagalaiting Kabayo ang kinikilalang mga artista at celebrities.
Sa bungad ng taon, sa mga buwan ng Enero hanggang Abril, sa mga petsang 6, 15, 24 at 30, sa araw ng Lunes, Martes, at Miyerkules, mapapabalita ang kasalang Vic Sotto at Pauline Luna, ngunit hindi matutuloy, dahil sa isang sex scandal na masasangkutan ni Vic Sotto na ikagugulat ng buong industriya at ng kanyang mga taga-hanga.
Kung mapupurnada ang kasal ni Vic Sotto at Pauline Luna, matutuloy naman ang kasalang Dindong Dantes at Marian Rivera sa taon ito.
Samantala, sa kasikatan ng career ni Lovi Poe, sa taong ito ng 2014 mag-iisip siyang lumagay na sa tahimik, ngunit wala naman siyang mapisil na lalaking seseryoso sa kanya, ganoon pa man, kapag hindi nag-ingat bigla siyang mabu-buntis.
Mangyayari sa mga buwan ng Hulyo hanggang Agosto sa mga petsang 7, 16, 25, 27 at 30, sa araw ng Martes, Miyerkules at Huwebes.
Maaari rin siyang biglaang dapuan ng psychological na karamdaman dahil sa stress at depression, ngunit kung maaagapan ng pahinga at pagsali sa oriental-meditation technique course, tuluy-tuloy na gaganda ang kanyang showbiz career hannggang makatagpo ng tapat at mabuting boyfriend na non-showbiz.
Ang Best Actor na si Robin Padilla at ang kanyang may bahay na si Mariel Rodriguez ay di rin makaliligtas sa galit ng Kabayo at magkakaroon ng di pagkaka-unawaan.
Ito ay magaganap sa mga buwan ng Abril hanggang Hunyo, sa mga petsang 4, 13, 17 22, 28 at 31, sa araw ng Huwebes, Biyernes at Sabado.
Sa umpisa ide-deny ito ng magkabilang kampo, ngunit pagsapit ng Hulyo hanggang Setyembre, tuluyan na rin silang magkakahiwalay dahil sa “third party.”
Kahit na naging Best Actress ang diamond star na si Maricel Soriano, hindi pa rin makaka-recover ang kanyang career sa napipintong pagkalaos, sapagkat dadaluhungin ng mapanganib na Kabayo ang kanyang kapalaran.
Muli siyang masasangkot sa usaping legal sanhi ng mga malalapit din sa kanyang buhay. Patung-patong na kahihiyan at mga reklamo ang mapapabalita sa Ikalawang Hati ng Taon, simula sa mga buwan ng Abril hanggang Hunyo sa mga petsang 3, 6, 19, 28 at 31 sa araw ng Biyernes, Sabado, Linggo at Lunes.
Itutuloy