Sa taon ng kabayo: Kris malalaos; Vice sisikat pa

Ikalimang serye

TATANGGAPIN ni Kris Aquino ang alok sa kanya ng ibang TV station, nguni’t sa halip na sumikat, ito ang magiging simula ng kanyang pagkalaos, kaya maoobliga siyang mag-concentrate na lang kunwari sa pagtulong sa ating mga kababayan, nguni’t sa likod nito, atat na atat na rin siyang kumandidato bilang vice president o kaya’y senador sa susunod na eleksyon.

Ito ay magaganap sa Ikalawang Hati ng Taon sa mga buwan ng Mayo hanggang Agosto sa mga petsang 1, 5, 10, 14, 23 at 28, sa araw ng Biyernes, Sabado, at Linggo.

Mapapabalita ding  ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ang kanyang magiging running mate. Habang ang career ni Vice Ganda ay patuloy sa pagsikat sa Kalagitnaan ng Taon, sa mga buwan ng Hunyo hanggang Hulyo, sa mga petsang 7, 8, 16, 17, 25 at 26, sa araw ng Lunes, Martes, Miyerkules at Huwebes, magugulat ang buong bansa, biglang mabibingit ang kanyang buhay dahil sa aksidenteng may kaugnayan sa sasakyan.

Ito ang magiging dahilan upang unti-unti na siyang malaos. Kapag nakaligtas sa nasabing aksidente, muli siyang dadaluhungin ng galit na Kabayo at mapapabalitang siya ay nagkaroon ng malubha at mahiwagang karamdaman kaya tuluyan na siyang mamamahinga sa showbiz.

Hindi rin magiging maganda ang hatid ng Kabayo sa mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, dahil sa mga buwan ng Abril hanggang Hunyo sa mga petsang 4, 8, 13, 17, 22, 26, at 31, sa araw ng Huwebes, Biyernes at Sabado, si Ryan Agoncillo ay mapapabalitang may ka-relasyon sa isa ring kasama sa trabaho.

Sa umpisa ide-deny ng mag-asawa na may “marital problem” sila, nguni’t bago matapos ang taon 2014, tuluyan na rin silang magkakahiwalay ng landas.

Bagama’t pipiliting makabalik upang magkaroon muli ng variety show, tuluyan nang titiklupin ng Kabayo ang career ni Willie Revillame, hanggang sa mapabalitang nalulong na siya sa bawal na gamot na masasabayan pa ng eskandalong may kaugnayan sa kaimmoralan.

Mangyayari sa mga buwan ng Hulyo hanggang Oktubre sa petsang 6, 9, 15, 18, 24, at 27 sa araw ng Martes, Miyerkules, Huwebes at Biyernes. Sa panahong ito, unti-unti na ring mauubos ang kanyang kayamanan, hanggang sa tuluyan na ring magbalik sa dating mahirap na buhay.

Kung makaliligtas sa ganitong senaryo, muli siyang dadaluhingin ng nagngangalit na Kabayo, bigla siyang maaaksidente na maaaring tuluyan na niyang ikasawi o kaya’y mabibingit ang kanyang buhay sa kamatayan.

Itutuloy

Read more...