SOBRANG depress daw ngayon si Andi Eigenmann. Ito’y matapos ngang makarating sa kanya na talagang hindi raw boto sa kanya ang mga magulang ng kanyang rumored boyfriend na si Jake Ejercito.
Ayon sa chika, masyado raw dinamdam ni Andi ang mga balitang natatanggap niya tungkol sa pagkontra ng parents ni Jake na sina Manila Mayor Joseph Estrada at Laarni Enriquez sa kanilang relasyon.
Though nirerespeto ni Andi ang magulang ni Jake, masakit daw para sa kanya ang makarinig ng mga negatibong komento laban sa kanya.
Kung matatandaan, isang makahulugang “no comment” lang ang nasabi ni Erap nang tanungin siya kung boto ba siya kay Andi para sa kanyang anak.
Marami ang nagpapalagay na ang ibig sabihin ng no comment ng alkalde ay wala siyang amor para kay Andi. Sa interview ng Buzz Ng Bayan noong Linggo kay Andi, sinabi nitong wala naman daw siyang magagawa kung hindi boto sina Erap at Laarni sa kanya, “Kailangan ko pong respetuhin kung anuman po ang sinasabi nila, kasi sila ang magulang ni Jake.
“They know what’s best for their son and sila ang nagpalaki, kaya dapat naman po, sila ang masusunod. But at the same time, nandito ako para naman ipakita na hindi ako dapat i-dislike for their son.
“Kasi, una sa lahat, totoo naman yung nararamdaman ko para sa kanya. Pangalawa, hindi naman po ako masamang tao,” ani Andi.
Pag-amin pa ng Kapamilya leading lady, “Siyempre po masakit, kasi nakakapanliit siya. At saka, yun nga, medyo judgmental ang dating. Pero, wala po akong dapat gawin kung hindi respetuhin po yun.”
Hirit pa ng dalagang ina, “Just like what I always say, people always think that I’m lying. Kasi, palagi kaming… kapag umuuwi siya, nagkikita kami, napipiktyuran.
Hindi naman ako nagla-lie. Sinasabi ko naman ang totoo. I really do care for him a lot. “Ayaw naman po naming ipilit ang mga bagay na hindi naman puwede. I’m always honest naman about my feelings for him,” chika ng aktres.
( Photo credit to Google )