HINDI lamang ang mga buhay na bayani ang may karagdagang benipisyo mula sa Philippine Veterans Affairs Office o PVAO, maging ang mga patay na bayani ay mayroon din.
Isinaayos na ng PVAO ang pagbibigay ng dagdag na pension para sa mga buhay na bayani sa ilalim na rin ng Total Administrative Disability (TAD) pension program ng ahensiya
Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaloob ng P1,700 na dagdag pension kada buwan sa mga World War II veterans na may edad 70 taong gulang pataas.
1994 simula nang maisabatas ang RA 7696 na nagkakaloob ng dagdag na benipisyo sa mga beterano na tumuntong na sa edad na 70 taong gulang. ]May 16 na taon din ang paghihintay bago naipatupad ang nasabing batas.
Buo naming ibinibigay ng PVAO ang benipisyo sa mga beterano simula nang maisabatas ang TAD pension.
Masigasig din ipinagpapatuloy ng PVAO ang kanilang Pensioner Accountability Program o ang re-validation campaign ng PVAO para malaman ang estado ng iba pang mga pensioners
Makaraan naman ang pagbibigay ng benipisyo sa mga buhay na bayani, ang mga patay na bayani naman sa ngayon ang inaasikaso ng PVAO na target na maipatupad ngayong 2014.
Ang mga beterano ng World War II na namatay sa pagitan ng 1994 hanggang December 2012 ang makakatanggap ng TAD pension ng PVAO. Ito ay ipagkakaloob sa mga nabiyudang asawa ng tumatanggap ng pension na mula 80 taon pataas.
Ang hakbang ng PVAO ay alinsunod na rin sa direktiba ni DND Sec Voltaire Gazmin kay PVAO Administrator (ret gen} USEC Ernesto Carolina para sa pagsasaayos ng mga benipisyo ng mga WW11 Vet’s at na-biyudang asawa ng mga ito.
Ms. Maria Juanita S. Fajardo-Rivera
Public Information Officer
Chief, Strategic
Communications Section
PVAO
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!