Jose Manalo inireklamo, manyak daw; pinasisibak sa Eat Bulaga


NAGULAT kami sa latest chismis about Jose Manalo. Meron palang move na tsugihin ito sa Eat Bulaga. We read a petition sa isang website, obviously hindi siya  loyalistang dabarkads na araw-araw nakatutok sa noontime show ng GMA 7.

Narito ang kanyang hinaing. “NAHA-HIGHBLOOD ako sa NAPANOOD ko kanina sa EAT BULAGA. Paglipat ko ng channel ito ang unang narinig ko, ‘NANGGIGIGIL ako sa yo VAL, PWEDENG PAHALIK?’ – JOSE! GOSH!!!

“Ito pa, ilang beses inulit ni Jose na mahalikan si Val buti na lang matalino si Val, UMIIWAS agad para di MAKADAPO sa mukha ang lips ni Jose.

Ang MATABA namang si RUBY tinulak si Val, MUNTIK TULOY MAG LIPS TO LIPS kay Jose. (Si Bossing mukhang selos kay Jose, gusto yatang gawing next PIA at PAULEEN si Val.

“Marami na sigurong IPON si Val sa pagmomodelo nya. ILIPAT NA YAN NG SHOW. PWEDE NA SA PRIMETIME. KALOKA!!!” litanya ng nagrereklamo.

Nangyari raw ang kabastusan ni Jose kay Valerie na junior member ng show last Saturday. “Last saturday episode ng EB was just really disturbing in a sense na lumalabas ang kulay ni jose bilang babaero just like wally. nakakaawa lang si val, yung trainee na german na talagang pinipilit mahalikan ni jose sa lips.

“Baka pwede namang pagsabihan ng management si jose na piliin ang mga biro at binibitawang salita kasi may mga batang nanonood ng show, it’s a family oriented show after all.

Yung salita nyang ‘mapapasaakin ka din’ regarding sa pilit na pag- iwas nung trainee was so inappropriate. “Manyak na manyak lang ang dating, sorry for the term pero yun lang talaga ang pwedeng itawag sa ginagawa nya. nakakainis pa na tinutulungan pa siya ni ruby na makahalik kay val.

Oh di ba, just shows kung pano nila tinotolerate ang mga kasamahan nilang may mga behind the scenes activities,” one female recounted as posted by a popular website.

Hindi namin napanood ang nasabing episode at hindi rin kami regular na nanonood ng show kaya hindi kami aware na suspendido raw itong si Jose dahil sa kanyang ginawa kay Val.

( Photo credit to Google )

Read more...