Robin pumayag nang ‘BUMALIK’ sa GMA 7 sa isang kundisyon…


Pwede nang mag-guest si Robin Padilla sa Adarna. Nagugulat kami sa tinatakbo ng Adarna sa GMA Tele Babad. All of a sudden, Ada, Kylie’s character, is turning out to be a costumed superhero complete with a mask para hindi siya makilala ng mga ibang characters specially si Geoff Eigenmann.

At least malayong-malayo na ito sa isa pang winged series ng GMA noon na Mulawin nina Richard Gutierrez, Angel Locsin and Dennis Trillo dahil although Angel’s Alwina became a warrior, she never had to wear a mask.

Again, mas magagamit ni Kylie ang lahat ng kaniyang martial arts studies noon dito and not just the harnessing technique. Already last week, her masked persona has been doing a lot of helping sa mga tao and she’s doing karate here and there.

With such heavy action scenes, mas madali nang makapasok ang kanyang amang si Robin sa soap kahit cameo lang and as long as hindi mamamatay ang character niya as per his request from the start.

Bent naman kasi talaga si Robin to help his daughter in anyway kaya nang malaman niyang bibigyan na si Kylie ng sarili nitong primetime soap na Adarna nga, now on its eighth week, si Robin ang personal na nagpasalamat sa management ng GMA he even went to the press con para makausap ang mga big bosses.

Doon niya unang in-announce that he is willing to do a cameo sa Adarna dahil as is, pending pa ang kaniyang kontrata sa kabilang network so he can do a guest appearance sa GMA habang wala pang nangyayaring renewal.

( Photo credit to Google )

Read more...