Resbak ni Vice sa nang-okray kay Maria bilang best actress: Hindi naman kasi paramihan ng mga eksena ang labanan!

Huling araw na ngayon ng MMFF 2013 pero matindi pa rin ang mga isyung bumabalot sa taunang festival, lalo na sa mga diumano’y kuwestiyonableng pagkakapanalo ng ilang entries sa ginanap na awards night.

Isa sa mga maiinit na pina-uusapan pa rin hanggang ngayon ay ang pagkakapanalo ni Maricel Soriano bilang best actress para sa pelikulang “Girl Boy Bakla Tomboy” starring Vice Ganda.

Ayon sa ilang mga nakapanood ng lahat ng entries sa MMFF, mas deserving daw manalong best actress sina Eugene Domingo para sa “Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel” at KC Concepcion para naman sa “Boy Golden”.

Pero siyempre para sa fans ni Maria, karapat-dapat siya sa nasabing award. Nauna rito, dinenay ng kampo ni Maricel na handa itong isauli ang kanyang best actress trophy, sabi ng manager niyang si Shirley Kuan sa kanyang Facebook account, wala itong katotohanan.

“Happy new year nalang sa mga umaasa na isoli ni Maricel ang award. May mga nangangarap talaga ng secondhand award? Maricel won Best actress fair and square and deservedly so.

Watch her performance first. Ayoko na sanang patulan pero sige pagbibigyan ko na kayo para happy kayo sa new year. Kawawa naman kayo eh! Push!” anang manager.

Para naman kay Vice, deserving si Maria sa award, sabi niya sa interview ng Buzz ng Bayan, “Ako po talaga isang malaking karangalan para sakin na nakatrabaho ko ang Nanay ko na si Maricel Soriano.

Lahat ng bakla eh iniidolo pero marami ang umiidolo kay Maricel Sorianong bakla kesa hindi.”  Hirit pa ni Vice, “Hindi naman kasi ito paramihan ng eksena eh kasi kung tutuusin mas marami ang eksena ko kay Maricel kasi ako ang pinakabida pero sa bawat eksenang nilabasan ni Maricel napatunayan niya na siya ang best actress.”

( Photo credit to Google )

Read more...