DIGOS CITY, DAVAO DEL SUR — Nasawi ang isang bata makaraang malason mula sa kagat ng dikya sa beach resort sa Malalag, Davao del Sur kamakalawa ng hapon, inulat ng pulisya.
Ang insidente sa beach sa Sitio Babak sa Barangay Bulacan ang kauna-unahang kaso ng namatay sa lason ng salabay, ayon kay provincial police director Senior Supt. Ronaldo Llanera.
Sa ulat, nagsu-swimming si Gerald Relacion, 8, Grade 2 pupil sa Malalag Elementary School, sa beach alas-2:15 ng hapon kasama ang kanyang mga magulang nang masagi siya ng dikya.
“The victim complained to his parents that he was stung and that it was so painful,” ani Llanera.Nang inspekyunin ng mga magulang ng bata ang bahagi ng katawan na nasagi ng dikya ay nagulat sila nang biglang kumalat ang rashes sa mukha.
Isinugod ang paslit sa Golingay Medical Clinic subalit hindi na naisalba ng mga doktor.
“According to the post-mortem report that the physician signed, the boy died from complications due to the jellyfish toxin. However, the species of jellyfish involved was not identified in the report,” dagdag ng opisyal.
Isang eksperto na ayaw magpabanggit ng pangalan ang nagsabi na maaaring Chironex fleckeri ang uri ng dikya na responsable sa pagkamatay ng biktima.
Kilala rin bilang sea wasp, ang C. fleckeri ang pinakamapanganib na dikya dahil sa lason nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.