Anyway, kakaalis lang daw ni Marian Rivera nu’ng dumating kami at nu’ng paglabas namin ng Arlington ay nakasalubong namin si Angel Locsin kasama si Direk Malu Sevilla.
Magkasama sina Angel at Direk Malu sa Asian cruise kamakailan. Ka-join ni Angel ang kanyang buong pamilya sa pangunguna ng daddy Angel niya habang si Direk Malu naman, e, kasama ang girlfriend niyang si Trisha.
Parang kailan lang nu’ng ipinakilala sa amin ni Direk Malu si Trisha and now mag-iisang taon na pala sila, huh! Matagal din ang tsikahan namin ni Angel sa baba ng Arlington.
Kinuwento niya na malaking tulong ang pagre-relax niya with her family sa Asian cruise. First time raw niya mag-cruise.
Sobrang happy si Angel na nakitang nag-eenjoy ang daddy niya sa cruise.
Nalokah nga raw siya sa daddy niya na swimming nang swimming sa pool ng barko hanggang sa pagbaba nila sa dagat. Hinabol pa nga raw niya ng langoy ang daddy niya na nasa gitna na ng tubig na super enjoy.
Pamilya naman daw kasi ng swimmer sina Angel, e. Nagulat naman si Angel sa tsika na may kasama siyang boyfriend na politician sa cruise.
Nalaman niya na may ganoong tsika nu’ng tumawag sa kanya ang manager niyang si Manay Ethel Ramos at sinabi na may Governor siya na BF sa cruise.
“E, wala naman talaga. Kami lang magkakasama ng family ko at saka sina Direk Malu, si Kuya Rocky (ABS-CBN executive producer). More than 20 kami roon.
Hindi ko nga malaman kung Governor o Congressman daw ba ‘yung nakitang kasama ko doon,” pahayag ni Angel. Sabi ni Angel sa amin, personally, ayaw pa muna niyang magmahal ulit.
Pero kung dumating, wala naman daw siyang magagawa, “May grupo nga mga Fil-Am doon sa cruise, e. Sabi ko sa kanya, rumampa siya doon baka may ma-meet siya,” tsika ni Direk Malu.
Natawa naman ni Angel sabay sabing, “Nakakahiya naman ata ‘yun. Saka ‘di ko naman ugali ‘yung rumampa para maka-meet ng guy.”
Humingi naman ng tulong si Angel para sa nalalapit na pagsisimula sa telebisyon ng bago niyang teleserye sa ABS-CBN, ang The Legal Wife.
( Photo credit to Google )