Kris susundin ang gusto ng fans: tsaka kung anong makakabuti sa mga anak ko!

NAG-POST si Kris Aquino ng ilang mensahe sa kanyang Instagram account noong Biyernes kaya naman kaagad na itong pinik-ap sa social media dahil ilang araw na ring walang balita sa kanya simula nang umalis silang mag-iina patungong Europe.

Ang post ni Kris, “Good Morning from London… Going to Mass at noon. First Friday, time to bring back my Sacred Heart of Jesus devotion… Time to say THANK YOU, for the blessing of 300 million +++ in the box office for My Little Bossings… Time to ask for GUIDANCE & WISDOM…

“Pls know that whatever decision I make, apart from considering what will be most beneficial for my 2 sons, it’s very important to me to consider what you, my audience, wants…

That’s why it’s good for me to be away now, to just be w/ my sons, so that I can reflect very carefully… God bless you all. Happy 1st Friday of 2014!” sabi pa ng TV host-actress.

Halatang inaabangan ng taga-showbiz ang post ni Kris baka nga naman kasi may sagot na siya sa mga isyung napipintong paglipat niya sa TV5.

Kung iaanalisa ay nananalangin si Kris na sana makapag-isip siyang mabuti at makapag-desisyon ng tama na hindi niya pagsisihan pagdating ng araw.

Kuwento sa amin ng aming source ay nakipag-meeting na si Kris kay ABS-CBN TV executive Cory Vidanes bago umalis at kinabukasan naman ay si TV5 Chairman at Chief Executive Officer Manny V. Pangilinan naman ang kausap niya.

Kung walang aberya ay sa Enero 9 ang dating ni Kris sa bansa at hindi lang namin alam kung diretso siya ng Kris TV pero base naman sa taga-production ng nasabing morning show ay tuluy-tuloy pa rin naman ang programa dahil marami pa silang nakabangko.

( Photo credit to Google )

Read more...