Alex Gonzaga ‘Bugbog-Sarado’ matapos bastusin sina Brad Pitt at Angelina Jolie

ALEX Gonzaga found herself wittingly or unwittingly drowned in LAIT over her foul comment sa magkarelasyong Brad Pitt and Angelina Jolie.

Tila nawala kasi sa katinuan itong si Alex when she captioned a photo with the Hollywood couple, “Yes di pa rin ako nakakamove on. I don’t like you because you hurt Jennifer. Don’t fool us with your charity works!!!! (Hah OA ako).”

The photo came from Alex’s Instagram account and it showed her pointing her finger to Angelina Jolie. This was posted in one very popular entertainment website.

With what she did ay talaga namang  puro panlalait ang inabot ni Alex. Merong nag-suggest na sana ay i-delete na lang ni Alex ang comment niya dahil it showed her insensitivity.

Sabi pa ng nag-comment, hindi naman daw hinihinging i-like niya si Angelina pero sana ay alam niyang ang charity works nito ay maraming natulungan.

“Ayoko din naman na pinagpalit ni brad si jen kay angelina. Pero wag mo na isama charity works nya kung wala ka naman contribution,” one guy commented.

“Boom. eto ba ang nkpag aral sa magandang eskwelahan? think before you click,” pananaray naman ng isa pang ayaw sa comment ni Alex.

Actually, we’re not surprised sa ginawang komento ni Alex. Mapagkunwari lang naman ang babaeng ito, eh. She’s projecting na she’s very wholesome pero meron naman siyang hindi nakikitang kamalditahan.

Remember our story about her na nagpapa-make-up siya habang nakahiga? Hindi ba’t ilang beses niya iyong ginawa sa pobreng make-up artist noong nasa TV5 pa siya kaya naman imbiyerna sa kanya ang make-up artist niya?

Ngayong nasa Dos na si Alex ay magbago kaya ang ugali niya? Mawala na kaya ang kanyang prima donna ways sa set ng bago niyang soap na pagsasamahan nila ng isang guy na bagama’t award-winning na ay wala pang napapatunayan when it comes to box-office appeal?

Alex was clearly nagpapapansin. If we were to size her up, wala siya sa kalingkingan ni Angelina, ‘no, whose concern for other people is GENUINE.

Clearly, Toni Gonzaga’s younger sister painted a bad picture of herself. Wittingly or unwittingly? More of the LATTER.

( Photo credit to Google )

Read more...