Bukod sa mga text messages at e-mails na natatanggap, mas lamang ang fans nina Kim at Xian sa aming radio show sa Radyo Inquirer 990AM na “Klik Showbiz”.
Ayon sa mga ito, mas bagay daw si Xian kay Kim kesa sa dalawa pang leading man ng young actress na sina Jolo Revilla at Matteo Guidicelli.
“Unang-una, si Xian ang pinakaguwapo sa kanila. Okay, may chemistry din naman si Kim kina Jolo at Matteo, pero mas kinikilig kami sa kanila ni Xian.
Para kasing totoo nang may namamagitan sa kanila kapag nagtitigan na sila!” naglalanding chika ng ating reader.
May nagpadala rin sa amin ng balita tungkol sa pagpasok ni Xian sa Top 10 Newsmakers ng Google Philippines dahil biglang nag-trending ang mga articles about the hunk actor. Ito’y may kuneksiyon daw sa serye nilang My Binondo Girl.
Pang-anim si Xian sa listahan ng mga personalidad na pinakapinag-usapan nitong nakaraang linggo dahil sa sunod-sunod na nakakikilig na eksena ng mga karakter nila ni Kim na sina Jade at Andy (Jandy).
Sa lakas ng kanilang onscreen chemistry, dumarami na rin ang “Jandy” fans.
Kasama ni Xian sa listahan ang iba pang Kapamilyang sina Paulo Avelino, Enrique Gil, Pilipinas Got Talent Season 3 finalist Khalil Ramos at Star Cinema talent and Thai actor Mario Maurer.
Kaya hindi na kami magtataka kung sa mga susunod na araw ay mag-number one na rin sa ratings game ang My Binondo Girl na mapapanood pagkatapos ng Budoy sa ABS.