Luis ayaw na raw magpakita ng pwet

Nag-celebrate ng kanyang kaarawan si Batangs Gov. Vilma Santos-Recto last Nov. 3. For sure, magkakaroon ng special portion sa Entertainment Live! today para sa kaarawan ni Gov. Vi.

Last time na nakausap namin si Luis wala pa raw siyang naiisip na regalo for his mom. At nu’ng tanungin namin siya regarding sa show na gagawin nila ng mommy niya for ABS-CBN mabilis na sinabi ni Luis na wala raw siyang alam tungkol dito.

Wala namang duda na kung may party o special celebration na gagawin for his mom’s birthday, definitely, isasama niya si Jennylyn Mercado, “Sana, sana walang ginagawa si Jen noon. At sana may nagawang plano para kay mommy,” ngiti ni Luis na nakausap namin sa backstage ng E Live!

Samantala, after the box-office success of “Praybet Benjamin” na lumampas na sa P200 million ang kita sa takilya, isusunod naman ni direk Wenn Deramas ang movie na ididirek niya na pagsasamahan nina Billy Crawford, Marvin Agustin, Luis at marami pang iba.

“Hindi pa namin nauupuan ‘yung story pero si Billy nabasa na niya. Knowing direk Wenn’s track record, alam naman natin kung anong klaseng tema ang mapapanood ng mga tao,” sabi ni Luis.

Magpapakita kaya ulit si Luis ng behind sa movie ni direk Wenn gaya ng ginawa niya sa movie nila noon ni Anne Curtis? “Hindi siguro, si Billy naman. Ipapasa ko na ‘yung trono na ‘yun!” sabay tawa ni Luis.

Speaking of E Live!, marami ang pumupuri sa magandang set ng show ngayon, huh! Bukod diyan, mas dumami na rin ngayon ang segment ng programa ni Luis with Nikki Gil, Ogie Diaz and Bianca Gonzales.

Read more...