Cristine, Rayver winawasak

CLUELESS ang isang taong malapit kay Cristine Reyes sa lumabas na report na ibina-libag daw nito ang iniregalong make-up sa dyowang si Rayver Cruz.

Sabi ng kausap namin, walang katotohanan ang lumabas na balita. Hindi lang ito salat sa katotohanan kundi wala talagang nangyaring ganoon sa pagitan nina Cristine at Rayver.

Esplika ng aming source, hindi kailanman nangyari na binato ni Cristine ang make-up ni Rayver dahil hindi niya ito ginagamit. Fact is, ginagamit ito ni Rayver.

Ang dagdag pang paliwanag sa amin, hindi naman pumupunta si Cristine sa dressing room ni Rayver Cruz kapag nasa ASAP sila kaya paano raw mangyayari iyon.

So, meaning may gumawa lang ng ganu’ng kuwento? Ano naman ang motibo niya? Ang wasakin ang relasyon ng magdyowa?

Read more...