KUNG hindi naman galing sa bulsa mo ang ipinambayad sa proyekto, wag kang “umepal” (o pumapel).
Ito ang esensiya ng panukala ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa Senate Bill 1967 na ngayon ay hinihimay sa Senado.
Ayon sa senador na nga-yon ang abala rin sa pa-ngangampanya para makakuha ng puwesto sa International Criminal Court, hindi dapat pumapel ang mga opisyal ng pamahalaan sa mga proyektong ipinagagawa sa kanilang mga nasasakupan kung ang perang ginamit rito ay galing naman sa buwis ng mamamayan.
“It is a prevalent practice among public officers, whether elected or appointed, to append their names on public works projects which were either funded or facilitated through their office,” a-yon sa kanyang panukala. “This is unnecessary and highly unethical.”
Jail term mula anim na buwan hanggang isang taon ang dapat ipataw sa mga opisyal ng pamahalaan na maglalagay ng kanilang pa-ngalan at mukha sa “signage announcing a proposed or ongoing public works project” sa sandaling maging batas ang kanyang panukala.
Sakop din ng panukala ang pagbabawal sa mga “maintenance, rehabilitation, and construction” projects na may signboards na magbibigay kredito sa isang partikular na opisyal. Anya, okay lang na maglagay ng credit kung ang tutukuyin ay ang pangalan ng ahensiya o logo nito.
Paliwanag pa ng senador na ang ganitong nakasanayang ugali ng mga politiko ay ang pagpo-promote ng “culture of political patronage and corruption.”
Sa sandaling maging ganap itong batas, ang Department of Public Works and Highways, sa pakikipagtulu-ngan ng Department of Interior and Local Government at Metropolitan Manila Development Authority, ay may tatlong buwan para simulan ang pagbaklas sa lahat ng mga “credit-grabbing signage”.— Inquirer