Tropang Bandera: Kriminal at bolerong politiko | Bandera

Tropang Bandera: Kriminal at bolerong politiko

- November 04, 2011 - 03:28 PM

PATULOY na sumasambulat ang malalaking krimen at ang pinakahuli ay ang pamamaslang kina Ram Revilla at Ricky Pempengco.  Malalaking krimen, pero maliliit sa mata ng Malacañang.  Sa kabila ng araw-araw na patayan, sinabi ng tagapagsalita ni P-Noy na si Abigail Valte na bumaba pa nga ang bilang ng krimen.

“Naiintindihan natin na maraming nagiging concerned dahil doon sa mga nairereport ngayon. What we can say while it is true that the crime index has gone down, hindi ibig sabihin na hindi natin papansinin iyong mga nangyayari,” ani Valte.  Ang “pansin” ay di nakakukulat ng krimen.

Ang matalino at propesyonal na aksyon ang kailangan.  Dito nakikilala ang beterano sa bagets, ang may karanasan sa tatanga-tanga.  Oo nga pala.  Ang patraydor na pamamaslang sa 19 na sundalo ay tinawag pa nilang “isolated case.”  Kanya-kanya na lang tayo ng pag-iingat sa ating sarili laban sa holdaper, riding-in-tandem at bolerong politiko. —Lito Bautista

INIREKLAMO ng blogger sa kanyang Twitter account na pinakain siya ng PAL sa meal boxes. Mukhang galit ang blogger na si ja_oben dahil isinama rin niya ang retrato ng meal box. Sabi niya: “Good work @flyPAL (Twitter account ng PAL) on making your customers eat out of a f.. box #neverflypal.”

Gusto ng mga kongresista na imbestigahan ang umano’y paggamit ng goons ng PAL para guluhin ang nagra-rally. Isang bystander ang napatay at walong raliyista ang nasugatan. Sabi ng PAL hindi totoo na meron silang binayarang goons para manggulo, sabi naman ng mga raliyista bakit nila guguluhin ang kanilang rally.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Teddy Casiño, masuwerte ang PAL dahil ang pinoproblema lamang nila ay kung papaano maproteksyunan ang kanilang kinikita samantalang ang mga nagra-rally ay problema kung ano ang kakainin, ang gagastusin sa pag-aaral ng kanilang mga anak at kung paano na ang kinabukasan ng kanilang pamilya.

Umaasa ang kampo ni da-ting Pangulong  Arroyo na papayagan siya na makalabas ng bansa para makapagpagamot. Sabi ng mga kakampi ni GMA, hindi tatakas ang dating pangulo subalit duda ang mga kritiko. Sa kanilang palagay, ayaw mangyari ni GMA sa kanya ang nangyari kay dating Pangulong Joseph Estrada, na nakulong sa panahon ng kanyang panunungkulan. May tsismis na magtatago sa Portugal si GMA at may nabiling property doon na kanyang titirahan. Kahit wala ng sakit si GMA ay maaaring manatili muna siya roon hanggang sa dumating ang panahon na hindi na mainit ang publiko at ang papalit na gobyerno sa kasalukuyan. Sabi ng ilan, karma ang inaabot ni GMA.  Maraming pera pero may sakit. —Leifbilly Begas

MULA sa bayan (i-text sa 0917-8446769): Kahit ano pa ang ibigay sa ABB, mga rebelde pa rin yan.  Bakit di na lang  ibigay ni P-Noy sa mga binagyo’t binaha ang pera?  Utak galunggong talaga. …4485

Si P-Noy, walang malasakit sa pulis at sundalo.  Mabuti pa si Erap, may simpatiya at nagpapahalaga sa buhay ng sundalo. …7571

Isang tindero sa palengke sa Barangay Liyubud, Mapun, Tawi-Tawi ang tulak ng shabu.  Inilalagay niya sa loob ng isda ang sachet ng shabu at
ibinebenta ito sa mga adik at
user. …7642

P-Noy, kung hindi mo kaya ang trabaho bilang commander-in-chief, magbitiw ka na lang.  Nakakahiya ka sa mga namatayan.  …3465

‘Wag kayong maniwala sa Muslim.  Traydor yan.  Mabuti pa si Erap, napalayas yan.  Kawawa ang militar.  Dalican

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang sabi nila, walang ma-gandang patutunguhan ang gera.  Yung mga daan papuntang Pagadian, Marawi hanggang Cotabato, madadaanan ba yan kung hindi binomba ni Erap ang mga salot na MILF sa Abubakar?  Kamad, 37, Pagadian City.

MAY alam ka bang katiwalian sa isang sangay ng gobyerno?  Ikaw ba’y hiningan ng pera habang naglalakad ng papeles sa ahensiya ng gobyerno?  O may alam ka bang opisyal ng gobyerno na may ibinabahay na iba?  May reklamo ba kayo sa mga pulis?  May ibinabahay bang ibang pamilya ang pulis sa inyo?  Parati ba siyang galit sa pera?  O adik na ba siya?  Tulungan natin ang pamahalaan na linisin ang kanilang hanay.  Tulungan din nating mapigilan ang katiwalian sa gobyerno.  Sumulat sa Tropang Bandera, MRP Plaza bldg., Pasong Tirad corner Mola st., Makati City.  Lakipan lamang ng Bandera logo with date ang inyong liham.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending