Very soon ay mapapanood na ang dalawa sa teleseryeng Alta ng ABS-CBN at sinabi nga ni Greta na super excited na siyang makatrabaho si Angelica kung saan makakasama rin nila si KC Concepcion at sina Sam Milby and Luis Manzano.
Kung matatandaan, nagkaimbiyernahan sina Greta at Angelica nang magkapalitan sila ng maaanghang na komento dahil kay Derek.
Hindi kasi natuwa si Angelica sa mga “playful comments” ni Gretchen about Derek. Feeling ni Angelica, hindi siya nirespeto ni Greta. Pero nagkabati rin ang dalawa nang magkita sa taping ng Magkaribal.
“I’m very excited to work with Angelica and KC kasi naka-work ko na sila and nakasama ko rin si Angelica and parang nahuli ko na siya,” chika ni Greta sa kanyang interview sa ABS-CBN online.
Pero ang tanong, posible nga kayang maging best of friends sila ni Angelica? “I believe so. Nakilala ko kasi ang totoong Angelica sa workshop, so pag-uwi ko nga tinext ko si Derek. Sabi ko, ‘Oh my God, I really like Angelica.
Parang I feel sorry for the time noon nu’ng nagkatampuhan kami. You know, you really have to know the person talaga.’
“Sabi nga ni Derek, ‘I told you.’ So sabi ko, ‘Yeah I thought so.’ Tahimik si Angelica du’n ako nahihirapan.
Pero I know eventually magiging maingay na rin, eh, ako ang kasama niya eh!” kuwento pa ng aktres.