Kris, MVP nakitang nag-dinner sa 5-star hotel

KRIS AQUINO INQUIRER

Tinatanong kami kung totoong lilipat na si Kris Aquino sa GMA 7 dahil nga gagawa sila ng sitcom ni Vic Sotto kasama sina Ryzza Mae Dizon at Bimby Aquino Yap.
Tinanong namin ang aming source tungkol dito, tugon sa amin, “GMA? Parang hindi naman nababanggit ‘yan. Ah, dahil sa sitcom with Vic Sotto and Ryzza Mae, no idea pa, kasi TV5 lang ang napag-uusapan.”

Ngayong Enero 9, 2014 na ang expiration ng kontrata ni Kris sa ABS-CBN at ito rin ang araw ng dating ni Kris kasama sina Josh at Bimby mula sa bakasyon nila sa London ng mahigit dalawang linggo.

Kaya nakatitiyak kami na maraming mag-aabang kung ano ang magiging desisyon ng Queen of All Media – magre-renew ba siya ng kontrata sa ABS o kakagatin ang offer ni Manny V. Pangilinan.

Anyway, may nakakitang nag-dinner daw sina MVP at Kris sa isang 5-star hotel noong December at hindi niya kasama ang dalawang manager at consultant niyang sina Deo T. Endrinal at Boy Abunda.

Read more...