Eugene ipinagdarasal si Wally: Bigyan natin ng pangalawang pagkakataon!

EUGENE DOMINGO AT WALLY BAYOLA

KAHIT pala si Eugene Domingo ay nagdarasal na sana’y makabalik na si Wally Bayola sa Eat Bulaga at sa game show nila sa GMA 7 na Celebrity Bluff.

Naniniwala si Uge na lahat ng taong nagkakamali ay dapat mabigyan ng pangalawang pagkakataon lalo na kapag na-feel ng mga tao na totoong nagsisisi na siya sa mga kamaliang nagawa niya.

Alam naman ng lahat na biglang nawasak ang napakagandang career ni Wally nang biglang kumalat ang sex video nila ng dating member ng EB Babes na si Yosh. Matagal na siyang wala sa Eat Bulaga at sa iba pang programa ng Siyete.

Tinanong si Uge kung nami-miss na rin ba niya si Wally sa game show nila ni Jose Manalo, “Of course kasi kasama siya sa original eh. And I always pray for him.”

Inamin ni Uge na hindi na sila nagkikita at nagkakausap ni Wally simula noong maiskandalo ito at magbakasyon pero aniya, mananatili silang magkaibigan sa kabila ng mga nangyari. Sey ni Eugene, “I don’t know how aside from praying for him. Wala namang taong hindi nabibigyan ng pangalawang pagkakataon sa buhay.”

Ano ang maibibigay niyang advice kay Wally sa gitna ng mga pinagdaraanan nito ngayon sa kanyang personal na buhay, “I think I will go with the advice of Bossing (Vic Sotto), because you are a public figure, it won’t hurt for you to ask for an apology. It always good naman to be mas mapagkumbaba.”

Kamakailan ay nagsalita rin si Bossing na posible namang pabalikin pa si Wally sa Eat Bulaga kung haharap siya sa publiko at personal na magso-sorry. Naniniwala si Vic na patatawarin naman ng mga dabarkads si Wally, kung sincere nga ang paghingi niya ng tawad at hindi na muling masasangkot sa mga ganu’ng uri ng iskandalo.

Samantala, nagpapasalamat nang bonggang-bongga ang magaling na komedyana sa lahat ng mga sumuporta sa MMFF 2013 entry nilang “Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel” na palabas pa rin hanggang ngayon sa mga sinehan.

Sa pagpasok naman ng Bagong Taon, sinabi ni Uge na plano niyang mag-aral uli, “Sinusulat ko talaga yung gusto kong ma-achieve. ‘Yung goal ko.

“My goal for 2014 is I want to study something. I want to learn something. Pag-iisipan ko pa. Kung hindi ako artista, I want to learn how to invest. Filipinos should learn how to invest. Kailangan hindi tayo parang mayaman lang ngayong araw na ito. I believe that your vision shouldn’t always be working for money but money should work for you. I want to be good in math. Mahina ako sa math. Baka yun yung pag-aralan ko. Ha-hahaha!” sabi pa ni Kimmy Dora.

Read more...