HOROSCOPE, January 03, 2014

Para sa may kaarawan ngayon: Happy ka ngayon dahil sa isang nilalang na alam mong patuloy na nagmamahal sa iyo.  Alagaang mabuti ang suyuan hanggang umabot ng Valentine’s Day.  Sa pinansyal habang in-love ay mas maraming suwerteng pang materyal ang darating. Mapalad ang 3, 9, 27, 30, 39, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Salva-Meh-Dosya-Om.” Red at green ang buenas.  
Aries – (Marso 21-April 19)—        Iwasang mag-isip nang hindi maganda! Sa negosyo, sa pagiging negatibo maraming mawawalang oportunidad. Sa pag-ibig, kung lagi kang nagdududa ay paano ka makakasumpong ng maligayang pag-ibig? Magtiwala sa minamahal! Mapalad ang 8, 19, 29, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Ara-Han-Tha-Anam-Om.” Gold at pink ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Gawing kalugod-lugod ang trabaho.  Sa pinansyal, kung masaya ka sa ginagawa mo, mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, kung kapwa kayo happy ng kasuyo ay mas maraming suwerteng darating. Mapalad ang 4, 17, 25, 31 35, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Santura-Om.” Green at yellow ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—    Itaas pa nang itaas ang pangarap dahil sa taong ito ng 2014 ang lahat ng iyan ay isa-isang matutupad. Sa pag-ibig at pinansyal, sa Year of The Horse na ito ay may pangako ng mas maunlad at mas maligayang karanasan. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 36, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arjuna-Om.” Silver at green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—   Hindi dapat panghinaan ng loob. Sa taong ito ng 2014 tanggapin ang inaaalok na negosyo ng isang kaibigang may kaugnayan sa pagkain at tindahan. Sa nasabing negosyo ka yayaman.  Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum- Padha-Bhuti-Om.” White at beige ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—    Huwag makisawsaw sa suliranin ng iba! Sa pinansiyal, upang umunlad ay umiwas sa pakikipagtsismisan. Sa pag-ibig, ituloy mo lang ang masayang relasyon ninyo ng kasuyong Aries kahit na maraming lihim na naiingit. Mapalad ang 3, 14, 27, 33, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Yellow at violet ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—   Ingatan ang natitirang salapi! Huwag kang gastos nang gastos nang walang kabuluhan. Sa pag-ibig, ipatago ang hawak na pera sa kasuyong kuripot upang mapaglaanan n’yo ang nalalapit na Valentine’s Day. Mapalad ang 5, 10, 31, 34, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sacheda-Ramada-Om.” Metallic blue at violet ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—   Huwag maniwala sa mga pamanhiin. Nasa sarili mong pagsisikap ang pagyaman at pag-asenso. Sa pag-ibig, may lihim na nagnanasa sa iyo, isang katabi na nakasuot ng blue. Mapalad ang 3, 12, 27, 30, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om.” Bukod sa blue buenas din ang pink.
Scorpio – (October 24 – November 21)—  Malungkot ka na naman, nauubos na kasi ang dating makapal na pera. Huwag nang ma-sad, sa buwan ng Pebrero hanggang Abril ay muling aangat ang kalagayang pananalapi. Maraming biglaang pera ang darating. Sa pag-ibig, puwede ng pagtiyagaan ang isang Aries. Mapalad ang 3, 9, 17, 26, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Red at pink ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—   Iwasan ang illicit love affair.  Sa pag-ibig, huwag makipaglandian kung kani-kanino dahil may babala ng pagtataksil. Sa panansiyal, habang dumadami ang tukso ay patuloy namang uunlad at sasagana ang kabuhayan. Mapalad ang 6, 18, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Harim-Haribol-Aum.” Maroon at purple ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Lakas ng loob ang kailangan upang yumaman. Sa pag-ibig, huwag mahirati sa pag-iisa kung magkakaroon ka ng kaparehang isinilang sa petsang 5, 14, at 23, mas mabilis kang yayaman at liligaya. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 44, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Devadhi.” White at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)— Habang pinagbubuti ang iyong ginagawa lalo kang kikita ng limpak-limpak na salapi. Sa pag-ibig, hindi puwede ang makaraos lang, kailangang maibigay mo ang best. Kumain ng balut bago makipag-date sa kasuyong Gemini. Mapalad ang 7, 16, 19, 28, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Rama-Om.” Gray at red  ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Mas madaling masusulusyunan ang mga problema kung mapapayapa ang isipan. Sa unang oras sa umaga, ayain ang kasuyo sa simpleng pagyo-yoga—ipikit ang mata habang naka-lotus seat, bigkasin nang paulit-ulit ang mahiwagang mantra: “Om-Om-Om.” Mapalad ang 4, 7, 25, 34, 43, at 48. Blue at indigo ang buenas.

Read more...