Hiwalayan, bangayan ‘in na in’ sa showbiz

Ni Jobert Sucaldito

YES, mamayang gabi na po ang lipad namin ng kafatid nating si Lito “Yanggaw” Alejandria papuntang Los Angeles, California via Philippine Airlines. At least, direct ang flight naming ito, kaya ang arrival namin doon ay same date din, Nov. 3 ng 6 p.m..

Naimbitahan kasi ang inyong lingkod ng mag-asawang Krista Ranillo and Nino Lim para mag-cut ng ribbon ng bubuksan nilang Island Pacific Supermarket sa National City, San Diego, CA bukas, Nov. 4 and sa Los Angeles, CA on Nov. 15.

Nang malaman ito ni kafatid na Lito “Yanggaw”, agad din siyang nagpa-book ng kanyang tickets para doon na rin mag-celebrate ng kanyang nth birthday sa Nov. 7 with his sister sa L.A.. Kaya maliban sa aking ribbon-cutting journeys, sasamantalahin na namin ni kafatid na Lito ang maglibot doon.

May sarili kaming itinerary – nasa L.A. kami from Nov. 3 to 8. Then, lilipad kami patungong New York sa Nov. 8 hanggang 11. Sa New Jersey raw kami titira. After that, Nov. 11 naman ang flight namin pa-Las Vegas hopefully to watch the Manny Pacquiao-Juan Manuel Marquez  fight kapag ginanahan ako – wala kasi akong hilig sa boxing though I take pride too kapag nananalo si Pacman.

Hanggang Nov. 14 kami sa Vegas. Then, susunduin kami ng sister ni Lito sa Las Vegas para umabot ako sa ribbon-cutting ko on the 15th. After noon, bahala na kung saan kami mapadpad from Nov. 15 to 20 bago kami umuwi sa Pinas. Sana ma-enjoy ko ang long flights na ito. Kungsabagay, excited na rin ako to see my dear friend Carlo Nazareno who lives in Chino Hills, California with his family.

Ganu’n din ang excitement ko to see my cousins sa San Diego and my apos near L.A. Basta, marami kaming magagawa tiyak sa Amerika. Bahala na si Batman – huwag sana akong nerbiyosin masyado sa plane. Si Lord na ang bahalang magprotekta sa amin sa biyahe, di ba?

Anyway, sa aming paglipad na ito, maraming malalaking istorya ang mami-miss namin tulad ng in na in na hiwalayan issue sa showbiz. Like itong break-up diumano nina Claudine Barretto at Raymart Santiago; ang split-up nina Shaina Magdayao and John Lloyd Cruz; pati na rin ang awayang Ruffa Gutierrez and Shaina; ang tsismis tungkol sa annullment daw nina Jinkee at Manny Pacquiao.

Nandiyan din ang masalimuot na pagkamatay ni Ramgen Revilla na nailibing na kahapon (masalimuot in the sense na nadawit na rin pati ang dalawang kapatid ng pinatay na si Ram); at ang pagpatay sa ama ni Charice Pempengco na si Ricky.

Nakapagsalita ng hindi maganda si Charice laban sa pamilya ng kanyang ama dahil na rin sa mga maaanghang na pahayag ng mga ito laban sa kanya at sa kanyang inang si Mommy Racquel. Hindi na rin kasi nakapagpigil si Charice sa diumano’y pang-aapi sa kanila ng pamilya ng kanyang tatay.

Pero ang magandang balita, sa lamay daw ni Mr. Pempengco ay nagkaayus-ayos na rin daw ang pamilya.

Anyway, sa gitna ng mga kaganapang ito, hayaan n’yo na munang mag-recharge ako sa States. Bihira lang namang nangyayari ito.

Sana lang ay meron akong enough dollars to last me for 19 days. Ha-hahaha! Hindi na nga siguro ako makakapag-shopping masyado dahil gipit-gipitan din ang drama ng lola Jobert ninyo. Ha-hahaha! Pero of course, maraming salamat sa mga nagpabaon sa akin.

Sa pagbalik ko na lang ko kayo pasasalamatan, medyo busy pa ako sa pag-iimpake at marami pang nakabinbing mga work.

Kaloka! Akala ko’y makakatipid na ako sa gastusin dahil mag-a-abroad ako – mas malaki pa pala ang magagastos ko dahil sa mga iiwanan kong pera para pambayad sa mga obligasyones New York. Ha-hahaha!

But it’s alright, ganoon talaga ang buhay, di ba? Parang life, ika nga. Ang mahalaga ay settled naman sila for the time being – ang mahirap ay ang pagbalik natin – nag-enjoy ka nga pero tatambak naman ang bayarin.

Anyway, wish us luck sa aming biyahe. Iinom ako ng maraming red wine para hindi ko maramdaman ang mga turbulence. He-hehehe! Sa tanda kong ito, hindi pa rin ako nakaka-get over sa fear of flights, lalo na ang mahahabang biyahe. God bless us na lang, OK?

Meron pa akong column bukas. After tomorrow, magsa-sign off muna ang EXPOSE hanggang sa pagdating ko. Ayokong ma-stress habang nasa abroad ako, ‘no! Tama ba, kafatid na Ervin? (Tomohhh kafatid! Basta ang pasalubong ha. Alam mo na! He-hehehe! – Ed). Bahala na muna kayo sa BANDERA after tomorrow, ha!? Basta pagbalik ko, may space pa rin ako for my column, OK? Ha-hahaha! Mwah!

Read more...