Aiza dedma sa mga naninira sa relasyon nila ng dating Beauty Queen | Bandera

Aiza dedma sa mga naninira sa relasyon nila ng dating Beauty Queen

Ervin Santiago - January 02, 2014 - 03:00 AM

DEDMA lang si Aiza Seguerra sa mga nangnenega sa relasyon niya kay dating beauty queen na si Liza Diño. May mga nagsasabi kasi na hindi raw magtatagal ang kanilang love affair dahil wala raw silang chemistry, meaning hindi raw sila bagay.

Mas gusto raw ng singer-actress na mag-focus sa magagandang nangyayari sa buhay niya, lalo na sa tagumpay ng pelikula nilang “My Little Bossings” kung saan nanalo pa siyang Best Supporting Actress.

Marami nga ang kinilig nang pasalamatan niya ang kanyang dyowa nang tanggapin niya ang kanyang award sa Gabi Ng Parangal hg MMFF.

“Love, thank you. Because of you, I learned so many things in acting. I love you,” ang sey ni Aiza sa kanyang acceptance speech na ang tinutukoy nga ay si Liza na nanalo bilang Mutya Ng Pilipinas-Tourism International noong 2001.

Ayon pa kay Aiza, si Liza ang inspirasyon niya sa lahat ng mga ginagawa niya ngayon, lalo na sa pag-arte,  “Kasi, I’ve always been an actress since I was young. But I think of it as energy.

“That energy has always been there—but Liza gave me that direction where to take it, how to harness it, and make it more effective. Never ako nag-workshop. Never ako nag-anything. Siya yung critic ko,” aniya pa.

Dagdag pa ng singer-actress, grabe rin ang suportang ibinibigay sa kanya ni Liza,  “May mga mapapanood ako na scenes na I thought ok ako. Pero sasabihin niya, ‘Love, parang ano, dapat ganito, dapat ganyan.’ Pinafine-tune niya ako.

Hirit pa niya, “Because of that, parang pinafine-tune ko yung sarili ko na, parang, ‘Ah, ganito pala.’ So, it’s all her.” Samantala, grabe ang kaligayahan ngayon ni Aiza dahil muli ay tumabo na naman sa takilya ang pelikula nila ni Vic Sotto, kasama sina Ryzza Mae Dizon at Bimby, “Siyempre, sa totoo lang, yung pagiging box-office hit ng My Little Bossings, it’s a very personal thing for me.”

“Kasi alam ko it’s a stretch for Bossing na umalis sa Enteng Kabisote franchise because, of course, it’s a sure win na, e,” sey pa ng singer.

Kasabay nito, nagpapasalamat din siya kay Kris Aquino na isa rin sa mga producer ng pelikula na may special participation din sa “My Little Bossings” dahil isang magandang friendship ang nabuo sa pagitan nila.

Ayon kay Aiza, kahit tapos na ang movie nila, mananatili ang magandang samahan nila. “Nakita niya kasi how we are, yung family namin sa Eat Bulaga. Ako, matagal na akong wala sa Eat Bulaga.

I mean, hindi na ako regular kagaya before. Pero iba pa rin yung turingan namin, e. “Nu’ng nakita niya yun, sobra siyang nabilib na sa mundo ng showbiz na ang akala nating lahat e lahat, temporary, lahat hindi permanente, lahat superficial.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero may nag-e-exist na gano’n pa rin, na totoong nagmamahalan, nagsusuportahan sa isa’t isa. When she saw that, sobrang na-‘Wow!’ siya,” sey pa ni Aiza.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending