TJ Trinidad walang pahinga, naka-2 anak agad


Nakadalawa na palang anak si TJ Trinidad. Fresh si TJ sa pocket presscon ng kaniyang next GMA soap, ang The Borrowed Wife. Last week lang nagtapos ang kaniyang TeleBabad na Genesis with Dingdong Dantes at ito na agad ang kasunod, ang first star of the said TeleBabad na nagkaroon ng follow up.

TJ plays an obsessed ex-boyfriend na isang cosmetic surgeon na nilayuan ni Camille Prats and so when an accident happened to Charee Pineda naman na tumatakas kay Rafael Rosell, he changed Charee’s face and becomes Camille thus the title.

As always, thankful si TJ for this non-stop work for the Kapuso network, still the only Annabelle Rama talent na patuloy na binibigyan ng trabaho ng GMA na napapirma pa nga ng renewal contract before Genesis started noon.

TJ really needs the job because dalawa na pala ang anak niya. Yes, kuwento kami nang kuwento about his first born son na napakalaki na nga raw kaya hindi siya nakapunta noon sa Cinemalaya to accept his Supporting Award, all the while, buntis na uli ang misis niya sa second child nila.

At dahil under the radar nga ang pagbubuntis ng asawa ni TJ, wala ring nakaalam na nanganak na ito bago mag-Pasko, a baby girl. Kaya nga tuwang-tuwa si TJ sa mga blessings na natatanggap niya although inamin niyang the second child is really unplanned then.

Bagama’t may balak talaga silang sundan ang panganay nilang boy ng possibly a girl, not this soon pala kasi one year five months lang ang naging pagitan ng dalawa pero okay na rin dahil now, they can plan for their children as balak ni TJ and wife na hanggang dalawa lang daw talaga.

( Photo credit to Google )

Read more...