Lloydie binibili ang isa sa mga mansiyon ni Willie; pakakasalan na ba si Angelica?

How true ang balitang ibinebenta ni Willie Revillame ang isang bahay niya kay John Lloyd Cruz kaya lang mukhang hindi sila nagkakasundo sa choice ng bahay na gustong bilhin ni Lloydie?

Kasi nga, tatlo raw ang bahay ni Willie sa Tagaytay at yung ibinebenta yata nito ay yung lumang bahay, yung una niyang acquisition pero ang gusto naman yatang bilhin ni John Lloyd ay yung pinakabago.

Kaya mukhang nagtatalo pa ang magkaibigan. Hindi ko nga batid na super-close pala itong sina John Lloyd at Angelica Panganiban kay Willie and after Christmas ay bitbit nila ang mga kamag-anak nila’t doon nag-stay sa bahay ni Willie sa Tagaytay.

Hanep  ang ginawang pag-asikaso ni Willie sa kanila – as in, super-asikaso talaga. Nagpa-cater daw ang lolo Willie niyo para sa pamilya ng magdyowa. Bongga, di ba?

“Aligaga si Willie sa pag-asikaso sa magdyowang John Lloyd and Angelica. Mukha raw kasing desisido talaga si Willie na ibenta ang isang bahay niya kay Lloydie. Iyon ay kung magkasarahan sila.

Tapos, sasabihin na naman ni Willie na gusto lang niyang magbawas ng propriedad dahil hindi naman niya maasikaso ang mga ito kahit na ang sinasabing dahilan niyan ay kailangang-kailangan niya raw talaga ng pera dahil napagtatalo nga ito ng sobrang laki sa casino.

Hay naku, wag  sana siyang mahurot. Wish ko lang. Kasi pagdating talaga sa sugal, kung hindi ka marunong magkontrol sa sarili mo, mauubos ka.

Masasaid ka! Kaya sana lang, hindi talaga totoo ang mga naglalabasang balita na unti-unti nang nababawasan ang ari-arian ni Willie Boy dahil sa pagsusugal.

Going back to Lloydie at Angelica, marami naman ang nagtatanong kung ang binibiling bahay ng aktor ay paghahanda na rin sa paglagay nila sa tahimik ng kanyang girlfriend.

Wala naman kaming maisagot dahil wala talaga kaming idea kung balak na nilang magpakasal. Pero kung true, magandang balita ‘yan para sa kanilang mga pamilya.

( Photo credit to Google )

Read more...