Bea Binene dinedma-dedma lang ni Daniel, takot hiwalaya ni Kathryn


GANDANG-GANDA kami sa young star na si Bea Binene every time na nakikita namin sya. Kahit noon pa man bet na namin siya among her contemporaries sa hanay ng GMA 7 tween stars.

Nag-blossom pa lalo ang ganda niya sa dinner treat na ibinigay ng kanyang pamilya para sa PMPC carolers. Punung-abala sa pag-iistima sa amin ang butihing ina ni Bea na si Mommy Carina.

Si Mommy Carina rin ang nagpaalala sa amin na it’s been a year nu’ng nagkita kami sa isang car shop sa San Juan. Sakto kasi na pina-process na ang babayaran nilang kotse nu’ng  sumilip kami ng Starex van sa loob ng car shop.

One year na ang black Hyundai Starex van ngayon ni Bea na gamit-gamit niya sa lahat ng lakad nya. According to her mom, P2 million ang bili nila sa kotse. And mind you, binayaran ni Mommy Carina ang kotse in full and in cash, huh!

“Para wala na kaming isipin na babayarang kotse,” sey ni Mommy Carina. At least daw ‘yung bahay na lang na binili nila ang tanging hinuhulugan ngayon.

Madaling-madali na kina Bea na bayaran ang monthly amortization ng bahay dahil tuluy-tuloy naman ang mga show ni Bea sa GMA. Tatlo raw ang shows ni Bea sa Kapuso network kabilang na yung sa GMA News TV. Kasama siya sa Pepito Manaloto at Vampire Ang Daddy Ko.

At the same time, renew din nang renew si Bea sa mga endorsement niya, kabilang na ang clothing line kung saan kasama niya si Daniel Padilla.

Tinanong namin si Bea kung nagkatsikahan na sila ni Daniel sa pictorial. Hindi raw sila masyadong nag-usap although they were formally introduced doon pa lang sa first year nila as endorsers.

‘Di kaya sinadya ni Daniel na ‘wag nang makipagtsikahan kay Bea kasi baka ‘di niya ma-resist ang beauty nito at maging dahilan pa ng break-up nila ni Kathryn Bernardo?

Aba, posible ‘yun dahil iba talaga ang karisma ni Bea sa mga lalaki. At hindi rin naman patatalbog ang beauty niya sa itsura ni Kathryn, huh!

( Photo credit to Google )

Read more...