Di pa nagagalaw

Sulat mula kay Tina, ng Barangay Pantaon, Kolambugan City
Dear Sir Greenfield,
Wala akong boyfriend at hindi pa nagkaka-boyfriend kaya’t di pa nahahalikan ng lalaki.  Pero, mahigit 20-anyos na ako.  Naiinggit ako sa mga amiga ko.  May mga boyfriend na sila at ang iba’y nag-asawa na at may pamilya na.  Maligaya na sila, lalo na kapag sumasapit ang malamig na gabi.  Pagdating sa mga manliligaw ay pihikan ako, lalo pa’t puro bola lang, kaya alam kong lolokohin lang ako.  Magkaka-boyfriend kaya ako sa 2014? Sino siya?  Kailan ko siya makikilala?
Umaasa,
Tina, ng Barangay Pantaon, Kolambugan City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Masuwerte ka dahil may namataang malinaw na Guhit ng Pakikipag-boyfriend o Guhit ng Pakikipag-relasyon (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ito ay malinaw na tanda na sa malapit na hinaharap, matutupad din ang malaon mo nang pangarap – magkaka-boyfriend ka, makararanas ng romantikong relasyon at makatitikim na rin sa wakas ng first kiss.
Cartomancy:
Ace of Hearts, Ten of Hearts, at Jack of Hearts ang lumabas (Illustration1.). Ang mga baraha ay nagsasabing sa taon 2014, manliligaw sa iyo na lalaking kasing edad mo rin at isang mainit at romantikong relasyon ang mabilis na mabubuo.
Itutuloy….

Read more...