KARUGTONG ito ng sentimyento namin kahapon tungkol sa pambabalasubas ng mga taong nasa likod ng MMFF sa entry nina Gov. ER Ejercito at KC Concepcion na “Shoot To Kill: Boy Golden”. Hayagan na kasi ang ginawa nilang pambabastos sa napakagandang obra ni direk Chito Roño.
Wala man lang ni isang award na natanggap ang “Boy Golden” maliban sa Best Float. Kaya as usual napakarami na namang kumukuwestiyon sa MMFF dahil sa mga kabalbalang ito.
Ewan ko ba sa mga taong namamahala ng festival na ito. We have so much respect for MMDA Chairman Atty. Francis Tolentino who also chairs the MMFF. Pero bakit hinayaan niyang mangyari ang mga bagay na ito?
Hindi ba sila matinong nag-deliberate before the awarding? Kaya tama lang si kaibigang RK Villacorta sa sinulat niyang sana ay mag-concentrate na lang ang MMDA sa pagsasaayos ng trapiko sa lansangan kaysa mamahala ng isang film festival na hindi naman nila mundo.
Ibigay na lang sana nila sa mga taga-industriya ang pamamahala ng taunang festival na ito para tumino naman ang resulta ng awards-awards na iyan.
Bakit ba hindi nila kayang ibigay ang mga tropeo sa mga deserving? Bakit kailangan nilang madyikin? Sa totoo lang, ako’y pagod na pagod na sa kapupuna sa mga kabalbalang ito ng MMFF.
Kahit noon pa man ay puro kalintikan na ang pinaggagawa ng mga taong ito. Masyado silang namumulitika. Sabi ko nga, pag nagunaw ang mundo, una silang hasikan ng lagim.
Napaka-insensitive nilang lahat. Pati ang amo nilang pangulo ay hindi nag-iisip ng tama. Busy nga yata talaga sa kalalaro ng play station kaya walang panahong ayusin ang mga problema ng bayang ito.
Hay naku, hindi ko alam kung nakakatulog nang mahimbing ang mga hinayupak na ito. Kaya lalong bumibigat ang buhay natin sa Pilipinas dahil puro kabalahuraan ang mga pinaggagawa ng mga nasa posisyon.
Magka-balls naman kayo at maging patas. Pati ba naman isang film festival ay napulitika pa rin ninyo? “Ngayon siyempre ay iha-hype nila si Sen. Ping Lacson dahil ang life story niya ang nag-romp off ng mga major awards sa MMFF. In short, bida na naman si Lacson, hero sa mata ng masa.
Samantalang pag pinanood mo naman ang ‘10,000 Hours’ ay makakatulog ka sa sobrang boring. Parang docu kasi ang pelikula nila kaya hindi ka makakatagal sa loob ng sinehan. Aantukin ka talaga. Promise!” anang isang nakapanood na.
“At alam niyo bang parang Martial Law ang in-impose na batas ngayon ng MMFF. Bawal ang magreklamo o manira ang any producer sa resulta ng awarding, pagmumultahin daw.
Aba’t mga PI pala talaga sila, ‘no? They are suppressing the right of any individual na ma-disappoint or what. Galing naman nila, talbog ang pinakamalalang tyrant sa mundo. Pati emosyon ng tao ay gusto pa nilang sikilin.
“In short, gusto nila ay sunud-sunuran ka sa gusto nila. Pag nagsalita ng hindi maganda ang isang producer ay pagbabayarin pa nila ng multa? Mga ulol talaga. Dapat sa mga iyan, barilin sa Luneta,” galit na galit na sabi ng isang batambatang negosyanteng kausap namin.
Nakakaawa nga raw ang hitsura ni KC Concepcion that night dahil hindi niya akalaing si Maricel Soriano ang tatalo sa kaniya. Ang buong akala kasi ng dalaga ay si Eugene Domingo ang mahigpit niyang makakalaban sa awards night for Best Actress.
Imagine, pati raw si Maricel ay nagulat nang tawagin ang name niya. Bakit daw siya ang nanalo? “Hindi talaga puwedeng manalo si Eugene Domingo dahil isa rin sila sa pinag-initan ng MMFF dahil merong scene sa last part ng ‘Kimmy Dora’ kung saan ini-spoof nila ang MMFF awards night na hindi raw nagustuhan ng MMFF jurors.
Pinersonal nila ang scene na iyon, hindi nila nakita ang wit ng eksena. Mga bobo nga kasi at mga namemersonal kaya talagang malabong manalo si Uge. Si KC lang naman talaga ang nag-shine sa lahat ng actress sa festival pero natalo pa.
“At ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang pagkapanalo naman ni Eugene Domingo as Female Star of the Night dahil hindi nga ito nakapag-gown noong gabi ng parangal. Naka-pants lang ito at suit na parang a-attend lang ng conference.
Di ba’t nakakatawa talaga ang resulta nila. Pati si Uge nga raw ay takang-taka kung bakit siya ang napiling Female Star of the Night.
“Yung mga naggagandahang gowns ng mga celebrities na dumating ay no-pansin sa mga judges ng special citation na ito. Nakakabaliw talaga ang punye***ng MMFF na iyan.
Dapat ay i-dissolve na iyan sa mga susunod na taon. At pakisabi kay Gov. ER, huwag na siyang sumali sa festival na iyan dahil hanggang nakaupo iyang panot na si P-Noy, hindi talaga siya magwawagi.
Believe me,” sigaw naman ng isang kainuman namin nu’ng isang gabi. “Dapat ang MMFF ay palitan na, hindi na Metro Manila Film Festival, kungdi Metro Manila Fuc*** Festival na.
The cheapest of all award-giving bodies. Hindi na sila nahihiya! As in soooooobrang kapal na nila!” ends our friend na super-disappointed sa resulta ng awards night.
Hay naku, I’m tired na of MMFF. I’m so tired na rin of this administration. Matagal pa ba mag-2016? Matagal pa nga, two and a half years pa tayong magdadalamhati.
Oh no! Kaya ang gawin na lang natin, let’s pray 1 Lord’s Prayer, 1 Our Father, 3 Hail Marys, 1 Oh My Jesus and say your wishes after these prayers para makabalik tayo sa tamang ulirat. OK?
( Photo credit to Google )