Binoe sumuko, tanggap na ang pagkatalo kay Daniel

Win man si Robin Padilla ng Best Actor sa katatapos lang na awards night ng MMFF for “10000 Hours,” ‘di naman mapasubalian na pinataob siya ng pamangkin  niya na si Daniel Padilla sa box-office.

Malakas na nakikipagsabayan sa karera ang movie ni Daniel with Kathryn Bernardo, mula sa Star Cinema at Regal Films, ang “Pagpag” sa nangungunang “My Little Bossings” at “Girl Boy Bakla Tomboy.”

Maging si Robin naman tanggap na panahon ngayon ni Daniel. Kaya nga sa kanyang speech pagtanggap niya ng award in-acknowledge niya ang kanyang pamangkin and his fans.

Last time sinulat nga namin na isa sa maagang na-soldout agad at past 4 p.m. ang natitirang tatlong screenings pa sa Trinoma during Christmas day ay ang “Pagpag.”

Bukod sa panahon ngayon ni Daniel at kalabtim niya na si Kathryn,  ang “Pagpag” kasi ang kaisa-isang horror movie na kalahok sa MMFF.

Sa direksyon ni Frasco Mortiz , hango ang “Pagpag” sa siyam na pamahiin na kunektado sa kamatayan at mga burol, na siyang pinapaniwalaan at sinusunod ng maraming Pilipino until now.

( Photo credit to Google )

Read more...