Billy Crawford surprised a telcom guy when he lambasted him over a phone call.


Meron yatang reklamo si Billy sa kanyang telepono kaya naman nag-text siya sa telcom para ayusin ito. Since he was a VIP member ay priority ang kanyang complaint.

Pero nagkamali yata sa timing ang telcom guy. Apparently, natawagan niya ito when Billy was sleeping pa yata. Ayun, nagwala raw ang singer at talagtang tumalak nang husto sa staff ng isang popular telecommunication company.

Panay raw ang sigaw nito. Medyo nag-nosebleed nga ang staff dahil puro Ingles ang pinagsasabi ng TV host-singer.
“Nagpapatawag siya tapos noon tawagan siya nagagalit siya.

Hindi ko talaga siya maintindihan,” say ng aming kausap. Actually, ang pagkakamali ni Billy ay hindi niya inilagay sa silent mode ang kanyang cellphone para hindi siya maistorbo sa kanyang pagtulog.

O kaya sana sinabi na lang niya sa telcom guy kung anong oras siya puwedeng tawagan para hindi siya maistorbo sa kanyang pagtulog.

Nakakaloka pala magalit si Billy, napakataray raw nito. Well, hindi na kami nasorpresa sa katarayan ni Billy. Matagal kasi siyang naglagi sa US kaya naman iba na ang kanyang values.

And since he almost grew up there ay naging too frank si Billy.  Kapag me mga questions nga siyang hindi feel ay sinosopla niya ang writer kaya naman piling-pili lang ang may gustong interbyuhin siya, ‘no!

( Photo credit to Google )

Read more...