THIS Aling Maliit, Ryzza Mae Dizon, is truly a child superstar. Grabe ang fan following ng batang ito – for sure, that’s the main reason kung bakit siya ang kinuha ni Kris Aquino na i-partner sa anak niyang si Bimby dahil alam niyang sobrang sikat si Aling Maliit.
Kilala naman natin si Kris – kung sino ang sikat doon siya. Refer to her friendship with Vice Ganda, Ai Ai delas Alas, Anne Curtis, Kim Chiu, etcetera. Pag middle of the road ka, no-pansin ka sa kaniya. Ganoon iyon.
Nakakaloka ang mga pinalalabas ng kampo ni Kris na certified box-office king and queen na raw sina Ryzza Mae at Bimby dahil tumabo nga sa takilya ang “My Little Bossings” (as if naman di natin kabisado ang style ni Kris para kumita ang pelikula nila.
Ha-hahaha!) – pati ang kapatid niyang si P-Noy ay nagpapagamit din para magka-mileage ang movie nila plus the soooo many theaters na pinaglalabasan nito dala ng malaki nilang impluwensiya sa pamahalaan.
“Hindi nga marunong ang anak niyang umarte. Okay na yung nai-launch niya si Bimby to stardom via ‘Little Bossings’ pero sa totoo lang, si Ryzza Mae naman talaga ang pinanood ng mga tao.
Yes, some were also curious na makita si Bimby sa widescreen pero hindi siya ang be all-end all ng movie. It’s Ryzza who pulled the strings.
“Damay lang si Bimby dahil idinikit ang name niya kay Aling Maliit. The nerve naman para sabihin ng kampo ni Kris na box-office king na ang anak niya.
Of course not! Nagha-hallucinate na yata sila. Sobrang KSP naman nila,” anang isang talakerong friend namin. Kami naman, on hindsight, happy na rin kami at kumikita ang halos lahat ng entries sa kasalukuyang Metro Manila Film Festival.
Akala kasi namin ay tutuloy ang pananamlay ng mga kababayan natin dala ng mga nangyaring disasters nitong mga nakaraang buwan.
It’s one way of uplifting the spirits of our fellowmen na tinamaan ng mga kalamidad – kumbaga, we are helping them indirectly to move on with their lives, di ba naman?
Ganoon pa rin daw ang ranking ng box-office results as of last night. Nasa number one slot pa rin ang “My Little Bossings” na sinusundan ng “Girl Boy Bakla Tomboy” ni Vice Ganda.
On the third slot ay ang “Pagpag” nina Daniel Padilla and Kathryn Bernardo, pang-apat ang “Kimmy Dora” nina Eugene Domingo and Sam Milby, panglima ang “Shoot To Kill: Boy Golden” nina Gov. ER Ejercito and KC Concepcion directed by Chito Roño, pang-anim ang “10,000 Hours” ni Robin Padilla, pampito ang “Pedro Calungsod” ni Rocco Nacino at nasa huling posisyon naman ang “Kaleidoscope World” ni Sef Cadayona.
Pero baka maiba ang trending nito starting today dahil kagabi idinaos ang MMFF awards night sa Meralco Theater at ang mga nag-runaway sa mga awards ay tiyak na aarangkada starting today.
For sure ay magkakaroon ng malaking epekto ito sa returns ng mga naunang umarangkadang films dahil dito na magkakaalaman kung alin ang mga matitinong entries na dapat panoorin. Good luck na lang sa lahat, OK?
( Photo credit to Google )