HOROSCOPE, DECEMBER 28, 2013

Para sa may kaarawan ngayon:  Likas kang suwerte! Lalo na sa career at pag-ibig. Sa career may mga pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran, habang sa pag-ibig, maaaring isang foreigner ang iyong maka-isang dibdib. Mapalad ang 1, 18, 23, 38, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Sucti-Suras-Asuras-Om.” Yellow at lilac ang buenas.  
Aries – (Marso 21-April 19)— Sa pagpasok ng 2014  wag bumili ng mga bagay na hindi masyadong kailangan. Panahon na para magtipid. Sa pag-ibig, matutuwa ang kasuyo, sa sandaling nalaman nyang marami ka na palang savings. Mapalad ang 8, 10, 28, 32, 35 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Yellow at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—  Upang maging lubos ang ligaya wag ubusin ang pera sa layaw at pagpapasarap ng katawan. Magtira para sa kinabuaksan! Sa pag-ibig, paglaanan ng ibang araw ang espesyal na date ninyo ng kasuyong Virgo.  Mapalad ang 5, 9, 23, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Agiel- Zazel-Yophiel”. White at blue ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—  Sa simpleng buhay mas magiging maganda ang kapalaran. Iwasan ang mga kumplikadong transaksyon. Sa pag-ibig, ayain ang kasuyo sa bukid at mga lugar na malapit sa kalikasan, upang lalong uminit at sumigla ang relasyon.  Mapalad ang 7, 16, 25, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sari-Kara-Carya-Om.” Pink at green ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—     ‘Wag magdesisyon ng nakabatay sa damdamin! Hindi awa ang dapat pairalin sa taong ito ng 2014 kundi ang pagiging mukhang salapi upang yumaman. Sa pag-ibig, kung puro damdamin ang mananaig paano ka uunlad? Mapalad ang 4, 13, 28, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dosya-Om.” Black at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)— Iwasang magdalahira! Imbis na maging pera, magiging bato pa, kung papakialaman at ikukunweto mo na naman ang buhay ng iba.  Sa pag-ibig, kung ayaw mong mapaki-alaman wag mo ring paki-alam ang buhay ng iba.  Mapalad ang 2, 9, 20, 29, 31, at 49. Mahiwaga mong mantra: “ Aum-Kedemel-Hagiel-Om.” Yellow at violet ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Sa pagpasok ng 2014 iwasang makisawsaw sa gawain ng iba. Ang sariling proyekto ang atupagin  upang mas madali kang yumaman. Sa pag-ibig, hindi dapat mainggit sa kaligayahan ng iba, maaari mo ring paligayahin ang iyong sarili kapag marami ka ng pera. Mapalad ang 6, 9 19, 27, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Mandala-Ketu-Ayin”. Purple at magenta ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—  Gawing New Year’s resolution ang pag-iipon. Dapat lang na mag-ipon para sa kinabukasan ng mga anak at magiging anak pa. Sa pag-ibig, i-sacrifice ang sariling kaligayahan, alang-alang sa iyong kasuyo na mareklamo at mapag-hanap. Mapalad ang 2, 17, 25, 34, 41 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Green at orange ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—  Sa pagtitiyaga sa 2014 mas madali kang yayaman. Tularan ang langgam sinop-sinop lang ang pormula upang yumaman. Sa pag-ibig, kaunting pakiusap pa  mauuto mo na rin ang kasuyo mong Taurus. Mapalad ang 9, 18, 23, 27, 45 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Name-Om.” Beige at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—  Sundin ang sinasabi ng damdamin at intuition! Sa pag-ibig ihahatid ka ng iyong emosyon sa isang maligayang relasyon sa isang Aries. Sa pinansiyal, haluan ng pagmamahal at lambing ang produktong may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 6, 15, 24, 36, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Rata-Vada-Om.” Pink at silver ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Ituloy ang kasalukuyang hanap buhay at dagdagan pa ang pagsisipag, darating din ang araw kusa kang yayaman. Sa pag-ibig, dalasan pang lalo ang pagte-text sa kasuyo, wag manghinayang sa load, sa taong ito ng 2014 mag-“unli” ka naman! Mapalad ang 5, 18, 27, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Om.” Purple at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—  Sa 2014 bagong diskarte ang dapat. Layuan ang mga kaibigang inuuto at binobola ka lang. Matutong mamuhay ng hindi na nakasandal sa ibang tao ang iyong kaligayahan. Walang ibang magiging tapat sayo kundi ang kasuyong Gemini. Mapalad ang 4, 10, 19, 25, 27, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum, Trium, Savitra-Om.” Silver at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— ‘Wag ng dayain pa ang sarili sa taong 2014 kapag alam mo ng palugi ang investment tumigil ka na bago malubog sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, kung alam mo nang iskadalo ang magiging wakas, wag ng ituloy ang relasyon. Mapalad ang 3, 13, 22, 36, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Padme-Om”. Red at blue ang buenas.

Read more...