HOROSCOPE, DECEMBER 27, 2013

Para sa may kaarawan ngayon:   Wag ng isipin pa ang mga suliraning hindi pa dumarating. Tandaang ang ngayon ang mahalaga kaya ngayon ka na dapat mag tipid at mag ipon. Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipag-relasyon sa malambing na Libra.  Mapalad ang 9, 17, 23, 41, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Om-Dosya-Om”. Silver at pink ang buenas.    
Aries – (Marso 21-April 19) —   Itakda at isulat sa malinis na papel, ang iyong mga pangarap. Simulan mo na ngayon habang malapit na ang New Year. Sa pag-ibig, tumuklas ng ibang paraan sa romansa, upang ang suyuan ay lalong lumigaya. Mapalad ang 6, 18, 27, 34, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Vigraha-Ananda.” Red at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—    Paghandaang ang nalalapit na Bagong Taon. Ngayon palang maglinis na ng bahay at buong bakuran, upang pagsapit ng 2014 suwertehin ang buong pamilya. Sa pag-ibig, walang pinaka-mabuting regalo sa minamahal, kundi ang katapatan ng iyong pag-ibig. Mapalad ang 4, 11, 28, 34, 44 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dabra.” Green at white  ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—    Araw na lang ang binibilang magtatapos na ang 2013. Sa 2014 mas maraming blessing ang darating. Madodoble ang pinagkakakitaan, habang sa pag-ibig, lalong iinit at mas magiging maligaya ang relasyon. Mapalad ang 6, 16, 25, 32, 41, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Manu-Ketu-Manu-Om”. Red at yellow ang buneas.
Cancer – (June 22- July 22) —  ‘Wag magpabago-bago ng isip! Ituloy ang layuning na may kaugnayan sa negosyo upang sa 2014 makamit ang isang masaganang buhay. Sa pag-ibig, mamayang gabi may masarap na pagniniig na naghihintay. Mapalad ang 1, 20, 19, 29, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om Arhate-Om-Padme.” Green at black ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Iwasan ang labis na pagtulong sa kaibigan. Sa bandang huli kung sino pa ang pinapautang mo sila pa ang maninira sa iyo. Sa pag-ibig, maganda ka lang at mabait kapag nabibigyan mo ng materyal na bagay ang minamahal. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 38 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Ava-Yara-Salva-Me-Om”. Blue at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—    Sa 2014 higit sa inaasahan ang magandang kapalarang darating na may kaugnayan sa salapi at pag-ibig. Makapal na halaga ng pera ang mahahawakan. Sa pag-ibig, lalo pang sasarap at iinit ang pakikipag-relasyon sa isang Libra.  Mapalad ang 4, 10, 19, 25, 27, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum, Trium, Savitra-Om.” Silver at yellow ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—   Huwag kang tatamad-tamad. Sa 2014 kilangan mong magsimula ng negosyo na may kaugnayan sa pagkain. Magluto ng masasarap at kakaibang pagkain. Sa gawaing ganyan ka yayaman. Mapalad ang 7, 19, 25, 34, 38, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Dosya-Me-Padme-Om.” Green at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)— Kung hindi kakalimutan ang mga nagdaang kabiguan, paano makapagsisimula ng bagong pagkakakitaan? Sa pag-ibig, kalimutan ang mga relasyong nagdulot ng pagluha. Bagong Taon na kailangang mag bagong buhay ka na rin! Mapalad ang 4, 7, 26, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Nameh-Aum-Nameh-Om.”Beige at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—   Lutasin na agad ang problema bago lumala. Wag ng hintaying lumaki ng lumaki ang tubo, magbayad na agad ng utang. Sa pag-ibig, batiin na ang kasuyong matampuhin, upang uminit muli ang relasyon. Mapalad ang 6, 17, 24, 31, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Mimu-Soph-Agu-Ferrea.” Maroon at beige ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Bukod sa salapi may dapat ka pang pahalagahan, ang relasyon mo sa mga mahal mo sa buhay. Nakatakda kang yumaman, ngunit aanhin ang materyal na bagay kung hindi naman masaya ang iyong puso? Mapalad ang 5, 9, 18, 30, 45 at  47. Mahiwaga mong mantra: “Love is All That Matters!” Red at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—   Huwag paki-alaman ang ginagawa ng iba. Sariling diskarte ang atupagin sa pagpapalago ng kayamanan. Sa pag-ibig, hindi dapat mainggit sa kaligayahan ng iba, maaari mo ring paligayahin ang iyong sarili. Mapalad ang 4, 8 19, 29, 38 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Ketu-Ayin-Mandala-Om.” Purple at green ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)   )— May paglalakbay na iaalok ang isang kabigan. Ang paglayo sa sariling bayan ang magdadala sa pagyaman. Sa pag-ibig, hayaang mangulila ang kasuyo upang sayong pagbabalik, mainit na  romansa ang kapalit. Mapalad ang 3, 18, 25, 36, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agni-Agni-Om.” Violet at beige ang buenas.

Read more...