Raquel galit kay Alyssa, may kahati na kasi sa yaman ni Charice

RAQUEL AT CHARICE PEMPENGCO

Maghihiwalay din ang taon nang hindi nagkakaunawaan ang mag-inang Charice Pempengco at Aling Raquel. Sa halip kasing lumiit ang problema sa kanilang pagitan ay mas lumalawak pa, painterbyu nang painterbyu ang ina ng international singer, naglalabas lang daw ito ng sama ng loob sa kanyang anak.

Hindi sumasagot si Charice, kipkip ng singer ang kulturang Pilipino na anuman ang mangyari, ang ina ay ina pa rin. Kahit pa hirap na hirap na siya, kahit pa sinasabi niya nu’n sa text sa mommy niya na hindi na niya alam kung paano ito paliligayahin, nandu’n pa rin ang kanyang respeto kay Aling Raquel.

Kahirap nga naman ng ganu’n na ginagawa na ng anak ang lahat-lahat para maiangat ang buhay ng kanyang pamilya, nagsasakripisyo na siya para makatulong sa kanyang ina at kapatid, pero ang lahat pala naman ng mga ginagawa niya ay kulang at kulang pa rin.

Saan mo nga ba naman ilulugar ang sarili mo kapag ganu’n, ginagawa mo nang araw pati ang gabi, halos mawalan ka na ng boses sa kakakanta pero hindi pa rin pala ‘yun sapat sa mga taong pinaglalaanan mo ng lahat-lahat ng pagpapagod mo.

Nakakalungkot. Naglantad ng kanyang tunay na kasarian si Charice, magkarelasyon sila ngayon ni Alyssa Quijano, kontrang-kontra si Aling Raquel sa kanilang pagmamahalan.

Siguro nga ay hindi na basta pagkontra lang sa relayon nina Charice at Alyssa ang naglalaro sa utak ngayon ni Aling Raquel, mas totoo sa aming opinyon ang pag-iisip nito na ang malaking cake na dati’y kanya lang ay mahihiwaan pa ngayon, mababawasan ng para kay Alyssa.

Ganu’n kadalasan ang takbo ng utak ng mga taong umaasa lang ng biyaya mula sa iba, galit sila kapag may pumapasok na ibang tao sa eksena, dahil ang dating malaking bahagi ng biyaya nila ay baka lumiit dahil may makakahati na silang iba.
Tama?

Read more...