Kathryn inulan ng batikos dahil sa pagbati ng ‘Merry Christmas’

KATHRYN BERNARDO AT DANIEL PADILLA

Naging isang malaking issue pala ang isang simpleng pagbati ni Kathryn Bernardo ng “Merry Christmas” sa kanyang Instagram account. Maraming batikos daw ang inabot nito according to a Facebook fan page.

Isa palang miyembro ng Iglesia ni Cristo itong si Kathryn at hindi sila nagse-celebrate ng Pasko. To the rescue ang maraming fans ni Kath sa Facebook. Talagang ipinagtanggol nila ang dalaga sa mga batikos na inabot nito.

“Wag nalang kasi makielam sa may buhay ng may buhay. Buhay ni kath yan, dapat di sila nakikielam. Ang unfair nga eh, ako katoliko ako pero pag nakikijoin naman ako minsan sa INC di naman nagagalit ung relihiyon ko, pero pag ang INC naki join sa gatheringa ng ibang religion eh magagalit sila? Nice naman!” one guy observed.

“Bawal pala bumati eh di sana bawal din tumanggap ng Christmas bonus at gifts kasi di naniniwala sa pasko,” may sense namang komento ng isang guy.

Ito naman ang suggestion ng isa pang maka-Kath, “Then INC people from now on puntahan niyo lahat lahat ng members nyo house to house every Christmas para maensure na lahat kayo d nagcecelebrate ng Christmas..I bet..NOW..parusahan niyo na tanggalin sa Inc kng mahuli nyo..tingnan natin kng d kayo mangalahati..Big deal ang isyung yan kc sikat involve.

“Pero HALOS LAHAT NG KILALA KONG INC..d lang kakilala..mga kaibigan..Nagcecelebrate o nakikicelebrate sa amin mga Catholic. walang problema dun. my opinion lang religion doesnt matter as far as I know Christmas or dec 25 wala sa bible..its just a date for everyone who believes Jesus’s bday to celebrate,” sabi pa.

Read more...