Boy nagtaray daw, pinakialaman ang mga tanong sa isang survey?

BOY ABUNDA INQUIRER

Naloka ang staff ng isang telcom kay Boy Abunda, masyado raw kasing pakialamera.

Ganito ‘yon. Merong survey ang telcom sa mga VIP members nila at kabilang doon ang magaling na talk show host.

Actually, hindi naman obligado ang VIP na sumagot sa survey, ‘yung lang me gusto. Since isa si Boy sa mga um-agree ay tinawagan siya for a few questions.

Naloka na lang ang kausap ng King of Talk nang sitahin nito ang mga tanong. Bakit daw ganoon ang mga tanong, dapat daw ay hindi iyon ang itinanong. Talagang nagmukhang engot ang staff sa mga unsolicited advice na ibinigay sa kanya diumano ni Boy.

Ang dating kasi ng pakikialam ni Boy sa nagtatanong ay nagmamarunong ito at masyadong pakialamera.

Ayun, kalat na kalat na sa telcom na ‘yon na me katarayan daw si Boy.

But we beg to disagree. Mabait si Boy, magalang at marespeto. We can’t even think na he’s capable of making pakialam. Hindi ganoon ang pagkakakilala namin sa King of Talk. Ano kaya ang masasabi rito ni Boy?

Read more...