Raymart, Claudine naghiwalay dahil sa pera?


Kung dati’y itinatago pa ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto ang matagal nang pinagpipistahang balita tungkol sa kanilang paghihiwalay, ngayon ay mahihirapan na silang sanggahin ‘yun, dahil mismong ang aktres na ang nagbigay ng insinwasyon na may problema sa kanilang pagsasama.

May nawawalang pera sa bangko ang mag-asawa, limang milyon daw ang halaga ayon kay Claudine, iyak nang iyak ang aktres nang magpunta siya sa Union Bank kasama ang kanyang abogado dahil nawawala nga ang kanilang pera.

Kahit saang anggulo tingnan ang problema ay walang ibang puwedeng tutukan ang lahat kundi si Raymart lang.

Silang mag-asawa lang ang may karapatang mag-withdraw ng anumang halaga mula sa kanilang account, walang ibang puwedeng gumawa nu’n, kaya dahil si Claudine ang nagrereklamo ay sino na lang ang naiiwan ngayon para sabihing naglabas ng kanilang pera?

Maselan nang usaping ito, pera na naman ang sangkot sa kuwento, ang pinakamababaw pero pinakamalalim na dahilan para paglabanan ng isang mag-asawa.

Paano pa nila ngayon idedepensa ang kanilang pagsasama? Paano pa nila sasabihin ngayon na maayos na maayos ang kanilang relasyon?

Paano?

Read more...