Ruffa may resbak kay Shaina

HINDI nakaligtas kay Ruffa Gutierrez ang mga pinagsasasabi ni Shaina Magdayao tungkol sa diumano’y pagte-text pa rin daw niya kay John Lloyd Cruz kahit na matagal na silang wala. Sa Twitter idinaan kahapon ng TV host-actress ang kanyang saloobin sa issue.

May kinalaman ang tweet ni Ruffa sa tila may pagbabantang text ni Shaina sa kanya na, “Leave us alone.”

Ito naman ang naging sagot ni Ruffa, “To clear the issue: I never started any texting conversation. I challenge anyone to prove otherwise. That chapter in my life has long been over. I’m very happy with my life and my girls now. I sincerely wish both of them well.”

Na sinundan pa ng, “I warned you not to test my patience and I warned you not to lie. You just did.”

Read more...