Kapuso female star hindi raw type dyowain si Daniel Padilla


Magaling palang sumayaw si Yassi base na rin sa kuwento ng iba at ito raw talaga ang gusto ng dalaga kaysa kumanta at umarte kaya nang ialok sa kanya ang “Kaleidoscope World” ay sobrang natuwa siya.

Samantala, inamin ni Yassi na crush niya si Enrique Gil kasi magaling din daw sumayaw ang Kapamilya actor, pero para sa kanya, mas magaling pa rin ang ex-boyfriend niyang si Sef Cadayona na sumayaw.

“Mas kilala ko po kasi si Sef and I know what he can do and offer.  Unlike Enrique, hindi ko po siya kilala, napapanood ko lang,” paliwanag mabuti ni Yassi.

Tinanong namin kung crush din ni Yassi ang batang heartthrob ngayon na si Daniel Padilla dahil ito nga ang sinasabing number one matinee idol ngayon sa Philippine showbiz.

“Ay hindi po, saka may Kathryn (Bernardo) na siya, ayoko po maaway ng fans, but I’m open to work with anyone. Hindi naman ako mang-aagaw ng boyfriend nang may boyfriend,” paliwanag ng dalaga.

Exclusive contract si Yassi ng Viva Talent Agency ng limang taon at nakakatatlong taon na raw siya at hoping siya sa 2014 na dumami pa ang projects niya.

At ang isa raw sa pinakaaabangan niya sa pagpasok ng bagong taon ay ang pagiging MTV VJ sa MTV Pinoy channel kung saan makakasama niya sina Donita Rose at G Toengi.

( Photo credit to Google )

Read more...