NOONG Linggo nagtanong tayo kung bakit nga ba ganon na lang kalakas ang Vietnam sa Pilipinas sa pagpapasok ng kanilang bigas sa ating bansa, na kung tutuusin ay meron naman pa lang alternatibong paghkukunan nang mas murang bigas.
Kasama sa bidding ang Thailand kahit wala sa agreement na lalahok sila sa bidding, kasi may “government to government” agreement na nga.
Kaya nagsumite nga ito ng kanyang bid bilang bahagi ng paggalang sa proseso ng transparency sa procurement ng ahensiya.
Ang second bid nga ay galing sa Vietnam. Dalawa lang sila.
Hulaan ninyo kung sino ang nanalo sa bidding? Ang Vietna, ang galing talaga! Vietnam na nga!
Nasa $475/MT ang offer ng Thailand habang ang Vietnam ay nag offer ng $462.25/MT.
Pero hindi basta mababang presyo ng Vietnam ang kuwento dito.
Ginamit ng Thailand ang isang bahagi ng kasunduan nito sa Pilipinas: Na gagawin nila ang lahat ng paraan upang makatugon sa katanggap-tanggap na presyo sa panig ng Pilipinas.
Thailand forwared a reoffer, now lower than Vietnam at $462/MT. Isinumite nila ang kanilang reoffer base sa agreement na meron silang 10 araw para “exhaust to arrive at a mutual and satisfactory price.”
Tanong, nagkaroon ba ng 10 more days to reach a mutuallly accepted price? Hindi. Wala.
Kasi ang ikinatwiran ay ang Rules ng Section 3 ng Republic Act 9184.
Ok, di sana nanghingi din ng reoffer sa Vietnam, in spirit of transparency at para na rin mabigyan pa ng konting pabor ang Pilipinas. Kasi pag nangyari iyon maaaring pang mas mababa ang i-offer ng Vietnam, na in the end ay tayo ang makikinabang.
Pero hindi nga ganon ang nangyari, nai-go kaagad ang transaksyon para sa Vietnam.
Mali raw kasi, sabi ng NFA at maging ng Office of the Government Corporate Counsel na gamitin ang bahagi sa MOA tungkol sa 10 days dahil kontra ito sa Government Procurement Procedures.
Makailang beses kong binasa ang MOA ng Pilipinas at Thailand, walang anumang pangungusap tungkol sa pagsasailalim sa bidding dahil tuwirang kasunduan na nga.
Labag ba sa mga umiiral na batas ang Government to Government Agreement?
Kung oo, bakit ito pinirmahan ni Alcala bilang kalihim ng DA? Kung hndi naman labag sa batas, bakit hindi ganap ang pagkilala sa diwa ng kasunduang nilagdaan?
Backstory. Kaya isinulong noon ang G to G ay dahil sa talamak na smuggling ng bigas na kayo na ang mag-google, alam nyo na kung saang bansa nanggaling.
Not all the time, not in every transaction, public interest is upheld and protected.
Para sa komento, reaksyon, at tanong, i-text ang OFFCAM, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09178052374.