Kakampi ng MILF | Bandera

Kakampi ng MILF

- October 24, 2011 - 03:51 PM

TULAD ng nakalipas na editorial hinggil sa mga kakampi ng komunista’t New People’s Army, marami ring kakampi ang MILF, at ang pinakamaimpluwensiyang kakampi ng MILF ay ang Ikalawang Aquino.

Nalagasan na nga ay parang ipinababatid pa na tatanga-tanga ang mga opisyal ng militar, lalo na ang mga sundalong biktima ng patraydor na pamamaslang; at murder sa anim na nahuli ay tinaga hanggang sa mamatay.

Dalawang pangulo lang ang di nangungunsinte ng kanilang pamamamaslang sa mga mandirigmang sinusuwelduhan at itinataguyod ng taumbayan: sina Ferdinand Marcos at Joseph Estrada.

Sa nakalipas na pamamaslang sa mga sundalo, at patuloy pang patraydor na pagpatay, nagbabalak magbitiw ang ilang senior officers ng Armed Forces, dahil dismayado sila sa reaksyon ng anak nina Ninoy at Cory Aquino.

Totoo ito, kahit na ilang pagtanggi na dahil sa pamumuwersa at pagsikil sa tunay na damdamin ng mga nayurakan at nainsulto. Kakampi ng kalaban ang nagbibigay, at di nagbibigay, ng budget sa militar at pulisya; dahil wala ngang budget.

Kakampi ng kalaban, tulad ng pagtrato sa mga komunista’t New People’s Army, ang maraming mambabatas na kung magsalita ay (biglang) dalubhasa sa larangan habang nakaupo sa silya’t nagpapalamig sa mababangong silid ng kanilang tanggapan (at nang manalo sa kaso ay ibig pang humingi ng paumanhi ang AFP sa mga Pula).

Marahil, ang pagbibitiw na lang sa kanilang puwesto ang natatanging dangal makaraang di makakuha ng simpatiya sa mismong commander-in-chief; at ininsulto pa, na di na raw natuto (sa pakikipagkita ng Ikalawang Aquino sa lider ng kalaban sa Japan, inakala ng senior officers ng AFP na di na sila babakbakan ng MILF pero…).

Di na natuto? Sa patraydor na pagpatay? Nag-uusap pero patraydor na papatay pa rin? At muli pang mag-uusap at itutuloy pa ang pag-uusap habang sa tuwi-tuwina ay nagbibigay ng mga bago at malalabong dahilan ang kalaban? Higit sa lahat, ang kakampi ng MILF, Abu Sayyaf at mga kidnaper na Moro ay ang Commission on Human Rights.

Kapag ang militar at mga pulis ang nakadagil ng sibilyan, o nakapagsalita nang di maganda, nagkakandarapa ang CHR, mga madre’t pari sa pagkondena. Tahimik sila sa MILF, Abu Sayyaf at mga kidnaper na Moro.

Tahimik din ang Commission on Human Rights sa mga magsasakang pinatay sa Mendiola at Hacienca Luisita.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending