One on One with Bossing Vic forever

NI JULIE BONIFACIO

VERY sentimental ang naganap na coffee table book launching ng Eat Bulaga. Kaya hindi napigilan ng mga pangunahing hosts ng longest TV program sa Pilipinas na sina Tito, Vic & Joey ang maging emosyonal. In fact, pare-parehong naluha ang mga veteran host and comedian sa paglulunsad ng coffee table book na naglalaman ng mahahalagang larawan at impormasyon tungkol sa Eat Bulaga for the past 30 years.

Present din sa momentous event na ‘to ang iba pang hosts ng show pati na mga ehekutibo ng number one noontime show sa bansa.
Sa naturang event nagkaroon kami ng pagkakataon na makausap ang multi-awarded host at the same time Box-Office King na si Vic. Narito ang kabuuan ng aming interbyu kay Bossing.

BANDERA:  Ano’ng katuturan ng event na ito para sa ‘yo?
VIC SOTTO: I feel I’m like a historical fi-gure right now. Like, you know, parang kasama ka na sa history hindi lang ng Philippine television kundi ng buong Pilipinas, buong bansa.

Part na kasi ng kasaysayan ng buong Pili-pinas ang Eat Bulaga. Parang naging part na siya ng culture ng Pilipino and we’re so happy and proud at thankful sa lahat ng mga manonood. Sila naman ang buhay talaga.

B: Nai-imagine mo ba na wala ng Eat Bulaga sa Pilipinas?
VS: Kulang ang pananghalian, ‘di ba kapag wala? Parang hindi kumpleto, after all this year, parang ganu’n. Kahit naman kami kapag ‘yung uma-absent for a while, you know, magbabakasyon, nami-miss ko rin, e. Hinahanap-hanap ng katawan mo ‘yun.

B: Never ba nagkaroon ng sawa factor sa ‘yo ang pagiging host ng EB?
VS: No,  ah, minsan napapagod ka, natural lang but, ‘yung saya, e, ‘yung Dabarkads, e. ‘Yung pagka-miss naman, e, bihira naman ako magbakasyon. So, more often than not, nasa Eat Bulaga ako.

B: Naka-three decades na ang EB, sa tingin mo ilang dekada pa ang kakayanin n’yo?
VS: Hangga’t kaya. I don’t know pero kasi nu’ng tinanong din ako dati 10 years after, sabi ko siguro after 10 years, then, another 10 years. Maybe another 10 years. Para sa akin, it’s a blessing talaga na after all those years buo pa rin ang grupo ninyo, malakas pa rin siya? Ah, definitely, ah, blessing. Hindi naman mangyayari lahat ng ‘to kung walang blessing ng Diyos.

B: Naiyak si Joey during the launch, what about you?
VS: Hindi, e. He-hehehe. Pero hindi naman dahil hindi ako sensitive. Madalas naman ka-ming magkaiyakan kapag may ganyang okasyon. Hindi pwedeng ‘di ka maging emosyonal kapag ganyan, e. Tsaka nag-iyakan na kami kanina.

B: May gusto ka pa bang i-wish para sa EB?
VS: Ah, I just want to thank everybody. Mga kasamahan namin sa Eat Bulaga noon at ngayon. At ‘yung mga makakasama pa natin in the future and more importantly, ang aming pasasalamat sa lahat ng mga tumatangkilik. ‘Yun naman ang tunay na Eat Bulaga, e.

B: Present din sa coffe table launching ang  ex-girlfriend ni Vic at host din ng EB na si Pia Guanio na kamakailan lang ay ikinasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend, ano ang masasabi mo rito?
VS: Siya ang tanungin ninyo, bakit ako? Wala akong alam doon.

B: Kung nagpakasal na ang ex-GF niya, kailan ka naman kaya Bossing?
VS: Kasal na ako!

B: Tatlong dekada na ang EB, for sure, napakalaki na rin ng kinita mo bilang host and part owner ng sikat na sikat na noontime show sa Pinas. Pero bakit hindi nabalita ang kayamanan mo tulad ng kay Willie Revillame?
VS: Ako, mayaman sa kaibigan. ‘Yun ang pinaka-importante sa tao. Mayaman ka sa pagmamahal ng kapwa.

B: Hindi ka ba mahilig mag-invest sa properties?
VS: Hindi mo madadala ‘yun sa hukay. Hindi importante ‘yun.

B: Definitely, isa ka sa top moneymaker among showbiz personalities and one of the richest stars of the industry, ‘di ba?
VS: Kumportable (marahang sagot ni Vic). E, para sa mga anak ko naman ‘yun, para sa mga apo. Pero I mean, ako nagtatrabaho dahil enjoy ako sa trabaho ko.

B: Sa 32 years mo as a host, sabi ng iba mas mayaman ka na dapat kay Willie. True ba?
VS: Sabi ko nga sa inyo, hindi ‘yun importante sa akin (materyal na bagay), nabubulok ‘yun. Pero ang legacy naiiwan mo. Hindi  mabubulok kailanman.

B: Kumusta ang movie n’yo ng Box-Office Queen na si Ai Ai delas Alas para sa 2011 Metro Manila Film Festival na “Enteng Ng Ina Mo?”
VS: Hindi pa kami tapos pero  we’re halfway. Malayo pa naman. Si Ai Ai? Maganda kasi ‘yung pamilya niya, ‘Tanging Ina,’ at saka ‘yung pa-milya ko, ‘Enteng Kabisote,’ nagtagpo, nakakatuwa, e, dahil off-screen behind the camera, barkada agad kami.

Doon sa isyu tungkol sa title ng movie, ah, I don’t know anything about that but the title is ‘Enteng Ng Ina Mo.’ Kasi ‘yun ‘yung istorya talaga, e. Si Enteng pumasok sa buhay ni Ina Montecillo. Kaya ‘Enteng Ng Ina Mo.’ Ai plays the role of Tanging Ina, si Ina Montecillo, former President.  Hindi ko masasabi kung pang-ilang asawa niya ako. Magi-give away ang istorya.

B: Sinabi mo raw kay Ai Ai na payag ka na magkaroon kayo ng bed scene pero walang kasalan. Ano ang ibig sabihin nu’n?
VS: Ha-hahahaha! Hindi, sa pelikula lang ‘yun.

B: Pero may kissing scene kayo sa pelikula?
VS: E, may problema lang sa  kissing scene. Hindi umaabot, e. Tumatama ang baba namin. Ayaw, hindi mag-abot.
Nakatrabaho ko na siya sa telebisyon. So, more or less  kumportable na kami sa isa’t isa. Unlike ‘yung ibang leading ladies it takes sometime for me to be comfortable, to be at ease. E, with Ai Ai, meeting pa lang swak na agad, e.

B: Ano’ng masasabi mo na guwapong-gwapo sa ‘yo si Ai Ai?
VS: E, gandang-ganda naman ako sa kanya.

B: Dalaga siya, binata ka. Pwede, ‘di ba?
VS: Oo, ‘yun na. Ano pa ang gusto mo?

B: So, pwedeng ma-in love ka kay Ai Ai?
VS: Bakit hindi?

Read more...