Ang dating Mike Tan na isang happy-go-lucky teen star ay naging seryoso na at determinado na mapabuti ang kanyang career.
At makikita ang ebidensya nito sa GMA 7 afternoon soap opera na “Kung Aagawin Mo Ang Langit.”
“It’s a role that’s totally different from the real me,” ani Mike.
Ang kanyang papel ay hindi lamang isang asawa o ama, kundi isang philanderer na nahahati kina Carla Abellana at Michelle Madrigal.
Upang mapaghandaan ang kanyang role, sumailalim siya sa mga workshop sa kanyang mga mentors na sina Freddie Santos at Nanding Josef.
Inutusan din siya ni Director Jay Altarejos na burahin na niya ang lumang Mike. “Even in the way I talk and move. I should be mature, manly,” saad ng aktor.
Kumokonsulta rin siya kay Direk Jay upang maging maganda ang kalalabasan ng kanyang karakter. “Direk Jay has a definite idea about my role. But he’s open to suggestions, too.”
At mayroon pa siyang bagong career, bilang segment host ng magazine show ni Vicky Morales na “Good News” sa GMA News TV.
“I was assigned stories that interest men,” aniya.
Mayroon umano siyang bagong natutuhan tuwing magtatrabaho siya. “Recently we did a feature on electronic vehicles in Tesda (Technical Education and Skills Development Authority). I ne-ver knew that we have e-cars and that some Filipino inventors had won in competitions abroad.”
Pinayagan din siya na gumawa ng sarili niyang istorya sa show. “I contribute my own ideas. I did a segment on gym alternatives: Exercises you can do at home and with things you can find in the house. For example, using books as steps or bottles as dumbbells.”
Gusto niya na gumawa ng maraming report sa “Good News” at mga interesting plot twists sa “Kung Aagawin.”
Bahagi umano ito ng kanyang pag-unlad bilang artista.
Handa din siyang gumawa ng mga stage plays at indie films.
Kapag maluwag ang kanyang schedule, nanonood siya ng mga musical gaya ng “Noli Me Tangere” at indie movies katulad ng “Ang Babae sa Septic Tank” and “Zombadings 1: Patayin sa Shokot si Remington.”
Pero hindi niya alam kung kakayanin niya ang role ng isang bading gaya ng kanyang kaibigan at kasama sa “StarStruck” alum na si Martin Escudero sa “Zombadings.”
“For one thing, I can’t dance as gracefully as Martin,” ani Mike. “I congratulated him. I told him that he’s the only one who could pull that off. Martin was so good in that movie. Bilib na bilib ako sa kanya.”
Gusto naman ni Mike ang mga kakaibang role. “If I do an indie film, I hope to play a serial killer … someone psycho-tic.”Inquirer