HOROSCOPE, DECEMBER 23, 2013

Para sa may kaarawan ngayon: Ngayong palang iplano na ang nalalapit na Bagong Taon. Kalakal na bilog na prutas at tumutunog ang dapat.  Sa nasabing produto malaking halaga ng sapali ang kikitain.  Sa pag-ibig, kung pagyaman at maraming salapi ang hanap piliin ang isang Sagittarius. Mapalad ang 4, 17, 26, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Namah-Mitra-Om.” Green at red ang buenas.  
Aries – (Marso 21-April 19)—  ‘Wag manghinayang sa mga bagay na wala sayo, ikalulungkot mo lang yan! Pahalagahan at pagsikapang palaguin ang mga bagay na hawak mo na sa kasalukuyan. Sa ganyang paraan, mapapayapa ang isipan at mas mabilis kang yayaman. Mapalad ang 4, 14, 23, 32, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Agla-Om.” Orange  at white ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)— Kusang darating ang malaking halaga ng salapi! Tipirin upang huwag agad maubos.  Sa pag-ibig, magiging masalimuot ang pakikipag-relasyon sa isang Aquarius.  Mapalad ang 4, 14, 21, 25, 37, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yara-Salve-Me-Om”. Red at yellow ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—  Bilis ang susi upang yumaman! Wag kang kukupad-kupad, upang hindi ka maunahan ng iyong mga kumpetensya. Sa pag-ibig, mas magiging exciting ang relasyon sa biglaan at hindi pinagplanuhang romansa. Mapalad ang 6, 18, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Namo-Om.”  Magenta at lilac ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)— Sariling diskarte ang dapat upang kumita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig, isang Virgo ang may lihim sa iyong pagnanasa, ka-compatible mo siya – sunggaban mo agad upang ikaw ay lumigaya. Mapalad ang 5, 17, 23, 35, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Tetra-Om.” Maroon at beige ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Isagawa at bigyang aksyon ang anomang iniisip, sa ganyang paraan hindi ka mapagbibitangang puro ka lang kuwento.  Sa pag-ibig at pinansyal, laging maging praktikal upang mas mabilis na yumaman. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Silver at blue ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Makunteto sa kasalukuyang kalagayan! Huwag ng mag-hangad ng kung ano-ano. Alalahaning higit na masaya ang buhay ng simpleng pamilya, kaysa sa ubod ng yaman. Sa pag-ibig, wag nang mag-isip na palitan ang kasuyo, okey na siya kaysa sa wala. Mapalad ang 6, 9, 18,  31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Karaam-Om”. Green at maroon ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Panahon na upang mag-establish ng sariling negosyo upang lumago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, tulungan ang kasuyo sa aspetong pang-materyal upang mas madali kayong yumaman. Mapalad ang 6, 9, 15, 24, 39 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dheemari-Gayatri-Om.” Maroon at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) —  Paghandaan ang nalalapit na Bagong Taon, pero dapat iwasang magtapon ng pera sa mga walang kabuluhang pamimili. Sa pag-ibig, ngayon palang iplano nyo na ng iyong pamilya kung paano nyo ise-celebrate ang Noche Buena. Mapalad ang 6, 15, 21, 32, 46 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Brahma-Aum-Namah.” Pink at purple ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)— Isang kakilala ang may lihim na gusto sayo, ngunit wala siyang lakas ng loob na magtapat! Sa mismong araw ng Pasko makikilala mo na siya.  Ikaw na ang gumawa ng paraan, upang maganap ang matimyas na relasyon. Mapalad ang 3, 12, 18, 27, 38, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Elohim-Adonai-Shaddai.” Lilac at pink ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Ipilit ng ipilit ang gusto upang kumita ng malaking halaga! Sa pag-ibig, hindi magiging maligaya kung laging pinaiiral ang hina ng loob. Mapalad ang 3, 9, 18, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sa taong buo ang loob ang yaman ay lubos!” Red at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Matamlay ka ngayon, kasi sa susunod na araw ay pasko na samantalang zero parin ang love life. Para magka-roon ng kasuyo piliting mabuo ang Simbang Gabi. Sa pinansyal, green ang kulay na hihigop ng positibong kapalaran may kaugnayan pera. Mapalad ang 2, 7, 16, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Da-Bra.” Bukod sa green at buenas din ang yellow.
Pisces – (February 19 – March 20)—Ituring mong “ito na ang huling araw!” Sa ganyang paraan, mas madali kang uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, dahil ito na ang huling araw, ipadama sa kasuyo ang pinaka-masarap na romansa. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Om-Gosvami.” Blue at silver ang buenas.

Read more...