Lloydie super iwas sa ‘sampalan scandal’, ayaw ipahamak si Anne

BAKIT ganoon ang movie and TV stars natin, umiiwas palagi kapag may issue sa kanila? Balitang-balita na super iwas si John Lloyd Cruz sa press noong mag-launch ng kanyang sitcom.

Alam niya kasing pagkakaguluhan siya ng media after the slapping incident with Anne Curtis sa isang bar. Ayun, dahil sa kanyang pag-iwas ay hindi raw natanong si John Lloyd kung totoo ngang nasampal siya ni Anne.

Maganda sana kung natanong siya about that noong open forum but knowing ABS-CBN, malamang ay pinagbawalan ang press na magtanong about that incident.

And it baffles us why this kind of system is being tolerated. Nag-i-invite kayo ng press tapos ayaw n’yo namang ipatanong ang controversial issue about your stars, hindi ba lubhang nakakatawa.

Tapos, mamadaliin n’yo ang interview after the forum, keyso may event pang pupuntahan, may taping pa, may dubbing pa at kung anu-ano pa.

Kapag ganito na nga ang eksena ay kaagad na kaming umaalis. Wala kasing silbi ang interview kung merong MARTIAL LAW sa bawat forum, ‘no!

( Phtoo credit to Google )

Read more...