Binoe ayaw kalabanin ang pamangkin: Para sa akin, mas malaking artista po si Daniel!


Hindi kalaban ang tingin ni Robin Padilla kay Daniel Padilla. Parehong may entry sa MMFF 2013 ang magtiyuhin – may “Pagpag” sina Daniel at Kathryn Bernardo at may “10,000 Hours” naman si Binoe.

Sey ni Robin, suportado niya ang lahat ng ginagawa ni Daniel at proud siya sa kanyang pamangkin dahil malayo na ang narating nito sa murang edad pa lamang.

“Hindi natin puwedeng sabihing kalaban o katapat. Iba ‘yang si Daniel. Lahat kami, naka-suporta sa anak ko, parang siya yung may dala-dala ng bandila.

“Lahat kami, lalo na ako, hindi natin kukumpentensiyahin yun, susuportahan natin yun hanggang sa dulo,” ani Binoe.
Hirit pa ng action star, “Panoorin nila ang dalawa (pelikula), panoorin nila para makita nila ang Padilla blood talaga.

Masaya kaming lahat doon, sa batang yun.” Payag ba siya na si Daniel na ang sumunod sa mga yapak niya? “Sa akin kasi, mas malaking figure si Daniel. Yung media ngayon, hindi na natin puwedeng ikumpara sa media noon, ito, buong mundo.

“Kahit saan ako makarating, hanggang Lebanon, noong magpunta ako ng Lebanon, isa lang ang hinihingi ng tao, si Daniel. Para sa akin, wow! Hindi ko puwdeng sabihin na humalili sa akin, magkakaiba kami.

“Sa ngayon, siya ang pinakamalaking pag-asa ng Padilla, lahat kami, nasa kanya,” chika pa ni Binoe. Ano naman ang masasabi niya sa mga komento na kung hindi rin daw dahil sa kanya ay hindi sisikat agad si Daniel, naging maingay daw agad ang pangalan ng Kapamilya heartthrob dahil sa kasikatan niya?

“Padilla, Padilla… ano, e, magkaiba kaming tao. Iba siya, iba ako, iba si Daniel. Mas marami pang ipapakita ang batang yun, marami pa,” tugon ng aktor.

( Photo credit to Google )

Read more...