Juday sa paglayas daw ni Ryan: Dedma…walang ganu’n!


TAKANG-TAKA talaga ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo kung bakit ayaw mamatay-matay ang mga tsismis na sila’y hiwalay na dahil diumano sa pagiging babaero ni Ryan.

Kahit ilang ulit nang nagdenay ang dalawa ay tuluy-tuloy pa rin ang pang-iintriga sa kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Ang latest nga ay ang balitang umlis na raw si Ryan sa bahay nila ni Juday matapos ang isang matinding pag-aaway.

Sa huling interview ng press kay Juday, sinabi nitong sa halip na mabwisit sa mga malilisyosong chika tungkol sa kanila ni Ryan ay tinatawanan na lang niya ang mga ito, dahil alam naman niya kung ano ang totoo.

“Wala, walang ganu’n at all,” sey ni Juday sa tanong kung totoong nag-alsa-balutan nga si Ryan at hindi na nakatira sa bahay nila.

“Deadma na, wala nang ganyang mga isyu. I’ve been hearing that…natatawa na lang kami,” dagdag pa ng TV host-actress.
“Sabi nga nila, kung may issue eh di masaya.

Ibig sabihin, naiisip pa rin kami ng mga tao, so carry lang,” natatawang sambit pa ni Juday. Siniguro rin ng aktres na magkakasama silang pamilya sa Pasko, “Christmas plans? It will be simpler, pero most definitely it would be just us.

Sa bahay lang. And as always, we’ll have our Christmas mass na ginagawa namin sa bahay every year.” Samantala, ayaw na ring alamin nina Juday at Ryan kung sinu-sino ang mga taong nasa likod ng pang-iintriga sa kanilang relasyon, wala naman daw maidudulot na mabuti ito sa buhay nila.

Ang mahalaga, alam nila sa mga sarili nila na maayos ang kanilang relasyon at natutugunan pa rin nila ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak.

In fairness, kung meron mang showbiz couple na talagang hinahangaan namin, ‘yan ay walang iba kundi sina Juday at Ryan, kapag kasi nakikita ko silang magkasama, feel na feel mo ang pagmamahal at respeto nila sa isa’t isa at pareho silang marunong magdala ng problema.

Hindi tulad ng iba na konting kibot lang, magpapa-interview na agad sa media.

( Photo credit to Google )

Read more...