KC: E, di nanay ko na lang ang panoorin ninyo kung ganu’n din ang gagawin ko!


“Hindi siya makakatulong sa growth ko bilang tao, bilang babae, bilang aktres. Pag may mga ganyang bashers, ang hirap pakinggan.” Ito ang diretsong sabi ni KC Concepcion nang tanungin siya kung ano ang masasabi niya sa bashers niya sa social media.

Sa ginanap na presscon ng “Shoot To Kill: Boy Golden” ay natanong ang dalaga tungkol sa mga taong walang magawa sa social media kundi mang-away ng mga artista.

“Ano namang wisdom na mapupulot mo sa basher, di ba? And I think, meron naman akong mga taong nakapaligid sa akin na they tell me yung kailangan kong marinig.

“Mahirap kasing magre-react kasi hindi nila ako kilala. Saka hindi mo rin alam kung nasaan sila, e. Pero minsan, kilala mo rin. Kilala ko na ito, paulit-ulit na lang yung issue.

“Wala namang pinanggalingan, pinipilit i-brainwash ‘yung mga tao na may ganitong nangyari kahit wala naman,” paliwanag mabuti ng aktres.

Hindi rin nagugustuhan ng dalaga na madalas siyang ikumpara sa nanay niyang Megastar dahil, “May mga roles ako na ginagawa na although nakaalalay yung mga managers para hindi naman siya ‘yung bold na or ibang genre.”

Tungkol kasi sa pagiging daring at sexy ni KC ang tinutukoy sa usapan kumpara sa nanay niya na wholesome ang mga papel simula noong nag-umpisa sa showbiz hanggang ngayon.

Katwiran ni KC tungkol sa mga papel na ginagampanan niya ay, “Nasa konteksto naman yung pagka-daring niya.
“For me, it’s the spice of life na makakita naman kayo ng iba.

E, di nanay ko na lang ang panoorin ninyo kung ‘yun lang din ang gagawin ko, di ba?” diretsong sabi ng aktres. Oo nga naman. Samantala, sa 2014 ay kasama sa plano ng nanalong Best Supporting Actress sa nakaraang PMPC Star Awards for TV para sa seryeng Huwag Ka Lang Mawawala ang mag-acting workshop dahil gusto pa niyang matutunan ang lahat ng style sa pag-arte.

“Siyempre, inspired ako dahil nanalo ako ng award. Naku, aktres na ako, mag-aaral pa ako!” nakangiting sabi ng dalaga.
Sabi nga ni Gov. ER Ejercito na leading man niya sa “Boy Golden” kapag hindi nanalo si KC ng best actress sa MMFF awards night ay tiyak na nadaya siya.

( Photo credit to Google )

Read more...